MADELIN Ilang araw pa ang lumipas ay pinal nang inanunsyo ng pamunuan ng unibersidad ang mga mapapabilang sa mga lalahok sa kumpetisyon. I got a full support from my family and close friends. Si Ma'am Emma, Sir Lemuel at Elizabeth ay masayang-masaya nang malaman ang magandang balita. They are all happy and proud of me, maliban siguro kay Lannion. Naging mas mailap kami kasi sa isat isa. Hindi ko pa siya kayang pakitunguhan pagkatapos ng nangyari. Kapag nasa malapit siya, pakiramdam ko ay masakip masyado ang mundo para sa aming dalawa kaya ako na ang kusang lumalayo sa kaniya. Madalas iniiwasan ko siya. Kapag humihingi ito ng miryenda o 'di naman kaya'y may inuutos, ay si Aling Brenda na rin ang gumagawa no'n para sa kaniya. Ewan ko kung napapansin nila ang pangingilag ko s

