MADELIN Marahan kong tinulak ang malapad na pintuan kung saan bubungad na agad ang malawak na sala pagpasok pa lamang. Napatigil ako, kaya napatigil rin si Rue na nakasunod lamang sa akin. Nasa sala si Ma'am Emma at Sir Lemuel. Tila seryosong nag-uusap ang mga ito. Kita ko iyon sa kanilang mukha. Alanganin ako kung lalapit o hindi. I felt the awkwardness of interrupting them. Sa tingin ko kasi ay tila may pinagtatalunan pa ang dalawa. Tumaas kasi ang boses ni Sir Lemuel nang matapos magsalita ni Ma'am Emma. Unang beses kong nakita ang mag-asawa sa ganitong tagpo. "He will not just acting crazy like that nang walang dahilan, Honey. Anong tingin niya sa mga tao rito? Pagsabihan mo iyang anak mo, mukhang nasisiraan na naman ng bait. Ako, ang papantay sa kukote ng batang iyan!

