MADELIN Bago matapos ang lunch break ay saglit akong pumunta ng banyo. Nakaupo pa ako sa toilet bowl nang makarinig ako ng tatlong katok. Nangunot ang noo ko. Makikita naman mula sa labas na occupied ang kinaroroonan kong cubicle. Its normally shows there the red color sign, indicating that it was occupied. Napapikit ako at nakaramdam ng inis nang muli itong kumatok. "May tao," ang medyo malakas na kako sa kung sino mang kumakatok na iyon. Damn. Ang dami kayang bakanting cubicle. Muli kong narinig ang katok. Napabuga na ako ng hangin. Seriously? Dali-dali kong tinapos ang pag-ihi. May inis kong binuksan ang pinto. "Lannion!" Napaawang ang labi ko. Maagap niyang hinawakan ang baywang ko at pinasok ako sa loob. Sinara niya agad ang pinto. Medyo naalarma ako. "Lannion, what

