Si Jaime ang nagmamaneho habang kaming tatlo ay nasa likuran. Base sa daan na tinatahak namin ay pabalik kami ng Batangas. Hindi na ako nagtaka dahil nandoon pa ang mga gamit namin sa farm. Hindi ko naman talaga dinala dahil balak ko talagang bumalik din agad pagkatapos naming mag-usap ni Z. Hindi lang talaga natuloy ang plano ko dahil sa ginawang eksena ni Miguel kanina. Nagngingitngitn pa rin talaga ako sa galit. Andaming tanong sa isipan ko pero hindi ko mai-voice out dahil nahihiya ako sa nakababatang kapatid ni Miguel na panaka-nakang tumitingin sa amin. Nanahimik ako doon sa gilid ng bintana habang si Maxwell naman ay nakatulog na habang nakakandong sa ama. Napagod siguro ang bata sa pagparoo't parito namin. "Is it okay if I drop by in the supemarket? Nagpapabili kasi si Smidget

