Napangiti ako habang nakatingin sa labas ng bintana ng eroplano. “Uy, anong nginingiti-ngiti mo diyan?” Untag ni Xzorine sa akin. Katabi ko kasi siya sa upuan dito sa may likuran. Hindi ko alam kung paano silang nagkabati magpinsan. Pero they are now in good terms. Kung titingnan ko nga parang walang nangyaring bangayan sa kanilang dalawa. “You didn’t expect this, don’t you?” Sino ba naman kasi ang maniniwala na sasabay talaga siya sa amin pabalik ng Manila? Natawa nga ako ng ipakita niya sa akin ang flight details nito. Pareho ng schedule ng flight namin. Para kasing planado niya ang lahat. Mahina ako nitong siniko sa tagiliran. “Why are you smiling earlier?” Nagkibit-balikat lamang ako sa tanong ng lalaki. Natuon naman ang tingin ko sa dalawang pares na nasa una

