Clause 3

1707 Words
Ang Boyfriend kong... Ang Boyfriend Kong... medyo iba ugali. Kat's Note: So as the clause said, medyo iba nga 'yung ugali niya from the rest of us. Though not totally pero in some way, kakaiba. Read this carefully 'cause this will explain Nic's behavior for the following clauses. Time Frame: Middle of the School Year So dahil 3rd Grading na namin, naglipatan kami ng upuan. Mayroon na kong assigned seat kaya naman naupo na ko. Nauna kasing ilagay 'yung mga babae. Tapos, biglaan namang tumabi si Nicolei sakin. I sighed. "Ano yun?" Nicolei asked, probably asking why I sighed. "Wala!" I said. He poked me on the side. "Yiee, iniisip mo 'yung kuya ko 'no?" Kahit hindi ko pansinin, alam ko sa sarili kong namula at nag-init 'yung mukha ko. "Hindi kaya." I turned away from him and faced the board. Wala namang umimik saming dalawa. Naupo naman na si Miss Bien sa harap. Tapos na palang ayusin 'yung seating arrangement. "Anong gagawin natin ngayon?" she asked us. "Matutulog!" sagot nung mga classmate kong lalaki. Napatingin naman si Miss sa orasan niya. "O sige, 30 minutes na lang naman ang time natin. Magpahinga na kayo. Kung may tatapusin at kailangan ipasa sa ibang subject gawin niyo na." My classmates cheered at nagkanya-kanya nang bilog ng upuan. Ako naman, nagbukas ng bag at kinuha 'yung librong binabasa ko ngayon, 'Looking for Alaska'. Grabe nakaka-in love si Miles dito. "Ano yan?" tanong naman ng tsismoso kong katabi. Pinakita ko sa kanya 'yung cover at tumango siya. I busied myself with the book for two minutes at napansin na hindi umaalis 'yung katabi ko. "Ayaw mong makipag-daldalan? Promise, wala kang mahihita sa'kin ngayong may hawak akong libro," I said. Napatawa naman siya. "Mukha nga eh," he said. "Pero mas maganda kung makikipagkwentuhan ka muna sakin." Then he gently snatched the book from me. "Huy!" I said at hinabol 'yung kamay niya pero hindi na umabot. "Makipagkwentuhan ka muna sakin tas ibabalik ko sayo 'yung libro mo." I huffed. I waited pero hindi siya nagsalita. "Oh, magsalita ka na. Akala ko ba gusto mo ng kakwentuhan?" pagsusungit ko. Kasi naman eh! Kuha-kuha pa ng libro. "Ang sungit!" he said. "Tanungin mo ko!" "Ah so ako pa interviewer dito? Hindi ba't ako na nga 'yung kawawa ako pa magtatanong?" "Ikaw na nga 'yung kawawa kaya sulitin mo na." He smirked. Jusko, don't tell me ganito din ugali ng kuya niya. I groaned. Ugh. Kuya na naman niya. Si Mr. Jeepney na naman nasa isip ko. "Dali na! Tanungin mo na ko!" he urged excitedly. I asked the first question that came to my mind. "Anong buong pangalan mo?" "Nicolei Keith P. Sandivan," he answered in less than a beat. "San ka nakatira?" I asked. Promise, wala talaga akong matanong kundi 'yung nasa bio-data. Hindi siya sumagot kaya naman tinignan ko siya and he had a mischievous grin on his face. "Ano?" I asked irritably. Badtrip na nga ako tas bibigyan niya pa ko ng ganyang ngiti? "Ikaw ha!" he said. "Style mo!" "Style ko?" "Gusto mo lang malaman kung saan nakatira si kuya eh, aminin mo!" he teased. I groaned at na pa-facepalm na lang. Ganto ba talaga isip ng mga lalaki? "FYI lang ha, wala akong pakialam kung saan ka nakatira!" "Wala kang pakialam kung saan ako nakatira pero may pakialam ka kung saan nakatira 'yung kuya ko." "Ewan ko sayo!" I said and reached across him kung nasaan 'yung libro ko. I turned it to the page I was reading and tried to focus on it. Pero 'yung katabi ko... ang daldal! Natawa siya. "Pikon na." I ignored him. "Alam mo... kung gusto mong mas lalong makilala 'yung kuya ko, sakin ka didikit! Para close kayo agad! At dahil seatmate at officially friends na tayo ngayon, magshe-share ako about sa kanya. Shhh ka lang ha?" he said. Hindi naman na ko umimik pero nakuha niya ang buong atensyon ko. Pero dahil ayokong mahalatang masyado akong interesado sa sasabihin niya, hindi ko inalis ang mga mata ko dun sa libro. "Si kuya, Nicolo Keith P. Sandivan," Nicolei started. Bigla namang kumabog ko dibdib ko nang narinig ko 'yung pangalan niya at napalunok ako. "At oo, lahat kami may 'Keith' sa pangalan," he answered my unasked question. "Lahat! Sa buong angkan namin, lahat may Keith! Weird diba? Edi yun na nga... ano... uhhm... 16 years old. Malamang nagtatanong ka na kung bakit 16 lang siya eh mas matanda siya sakin. Ganto kasi yun, na-accelerate ako kaya nag-skip ako ng isang taon. Hindi siya nag-stop ah, or nag-repeat! Sadyang matalino lang ako!" I fought the urge to roll my eyes. Pero hindi ko naman maikakaila na natutuwa ako na may nalalaman ako tungkol kay Mr. Jeepney. "Galing America. Dun siya lumaki kasama 'yung dalawa pa naming kapatid si Nikki at Collin. Kasi nung naghiwalay 'yung parents namin nung 6 siya tas 5 ako, binitbit siya ni Daddy sa America. Pero nagkabalikan din 'yung parents namin kaya nabuo 'yung dalawa pa. Umuuwi naman sila tuwing pasko at kung kailan pwede at madalas kaming mag-video call sa Yahoo nun. Di pa kasi uso 'yung Skype." I stole a glance sideways at Nicolei, nakangiti siya. Parang, inaalala 'yung mga panahon na yun. Kamukha niya nga 'yung kuya niya. "Okay naman 'yung parents namin kahit naghiwalay na sila. Umuwi si kuya dito nung June dahil yun 'yung summer nila dun at bigla na lang niyang naisipan na dito na lang tumira, gusto daw niya kasing maranasan kung paano tumira dito sa Pilipinas at pinayagan naman siya ng Daddy namin. Syempre, tinanong ako kung gusto ko naman daw lumipat sa US at tumira kasama 'yung Daddy namin, pero 'yun nga, naisip ko na mas matagal 'yung pag-aaral ko dun kaya sabi ko, baka sa college na lang. Nag-enroll siya sa Bellarmine High kasi madaming kano dun na pwede niyang makasundo. Nakuha siyang varsity ng basketball dun at nag-quit na siya nung isang araw yata kasi may nadiskubre siyang bago." Nicolei laughed at some private joke. "Kaya siguro ngayon niyo lang siya nakasabay sa jeep kasi hindi naman ganoong oras ang uwi niya dati. At malamang, alam mo na na marunong siya magtagalog pero madalas in-english niya pa din kami sa bahay pero okay lang dahil 'yun din 'yung language na tinuro ni Mommy simula bata kami at madalas 'yun ang gamit sa bahay. San kami nakatira? Dun sa Gate II ng village niyo! Pwede mo sana siyang makasabay kaya lang mag-tricycle pa siya at medyo mas malayo kasi iikot pa. Di ka niya siguro sinabayan nun kasi baka makahalata ka na." Nicolei laughed once again. "'Yun! 'Yun na 'yung mga kailangan mong malaman sa kanya. Una pa lang naman 'yan. Malalaman mo 'yung iba pa... soon," he said and leaned farther on his seat. "Hoy, alam kong nakikinig ka sakin. Buong pagkukwento ko dito hindi ka na nakaalis dyan sa page na yan! Tigilan mo nga ako, Katerina." My body had gone rigid. Oo nga 'no? Di ko manlang naisip na hindi ko manlang nililipat 'yung page for effects. I groaned internally. You're so tanga, Kat! Sarap mong iuntog sa pader. I closed the book shut. "Eh paano ko makakaalis sa isang page ang daldal mo! Paulit-ulit ako sa isang paragraph dahil wala akong maintindihan sa binabasa ko!" I reasoned out. He scoffed. "If I know, nakikinig ka talaga." He smirked at me. I finally rolled my eyes at him. "Wala ka bang tanong?" he asked. "Huh?" "Tungkol dun sa mga sinabi ko! Malamang madami kang tanong, dali habang nasa mood ako!" "Wala akong tanong!" I retorted. "Nahiya ka pa!" "Kahit may tanong ako, hindi ako magtatanong kasi ayoko!" I said and crossed my arms on my chest. Natawa siya. "Ang kulit mo eh 'no! Pakiramdam ko magkakasundo kayo ng kuya kong monggoloid." I glared at him, pero deep inside tuwang-tuwa na sinabi niyang magkakasundo kami ng kuya niya. "Alam mo, paalala ko lang... iba ugali ng kuya ko." Bigla naman akong kinabahan kaya napatingin ako sa kanya, waiting patiently kung anong sasabihin niya. "Dahil nga sa US siya tumira, medyo ugaling Amerikano yun. Though hindi ko naman alam kung anong ugali ng mga teenager na Amerikano, pero... advanced." Sabi ni Lei na parang hindi niya alam kung anong sinsabi niya. "Huh?" "Liberated." He shrugged and scrunched his face with his hands. "Di kita gets." Natawa siya. "Hindi ko din gets 'yung sarili ko eh--basta, ito na lang: Medyo advance sa mga ibang pangyayri." "Huh?" He sighed in frustration. "Hay, Kat. Nagbabasa ka ng English books pero hindi mo ko ma-gets." "Ano ba kasing sinasabi mo? Diretsahin mo na kasi ako." "Uhm, 'di ba sa movies o sa ibang libro... example, niyaya ka niyang makipagdate kahit hindi naman kayo, tas pag-ihahatid ka na niya, bigla ka niyang halikan. Ganyan 'yung kinalakihan niya kaya wag ka nang magugulat kapag biglaan niya na lang i-announce na girlfriend ka na niya. Ewan ko ba kung bakit ko sinasabi sa'yo' yan." He gave me a small smile. "Pero hindi natin alam 'yung mangyayari, malay mo..." He trailed. "Para lang aware ka kung ano mang mangyayari sa future." "Future? Future agad?" "Good Morning, Class!" Bigla naman kaming napalingon ni Lei dun sa nagsalita. Nagpalit na pala kami ng teacher di manlang namin napapansin. Tumayo kami at binati 'yung Chemistry teacher namin. "Miss, anong gagawin natin ngayon?" tanong ng isa naming classmate. "Groupings!" sagot naman nung maliit naming teacher sa harap. Don't get me wrong, mahal na mahal ko yang teacher na 'yan. Adviser ko noong first year kahit madalas tamad magturo lagi akong pasado. "Countings, miss?" "Hindi! Bahala na kayo sa buhay niyo," she said. "Tatlo-tatlo ah?" Ang weird po ng boses nitong babaeng 'to. Ang liit ng boses, kasing liit niya. Bigla naman akong kinalabit nitong katabi ko. "Seatmate, group tayo ah?" "Huh?" I asked. "Sali mo ko sa group niyo." "Ayoko nga! Tamad ka eh!" I said. "Hoy hindi ako tamad! Nasa Achiever's List nga ako eh!" Oo nga naman. "Oo na! Sige na, kawawa ka naman. Baka walang kumupkop sayo." He laughed. "Thank you, Bezzy." "Bezzy?" I asked. "Bezzy! Friends na tayo ngayon eh!" he explained. I shrugged it off. Wala naman sigurong masama diba? Or so I thought wala.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD