Ang Boyfriend Kong... Clause 56: Si Nicolo... Kat's note: Minsan, thankful din ako na hindi ako pinapansin ni Nic. Time Frame: In the midst of the time that I was gone. ..... "Hey, Kat," bati ni Nic pagpasok ko ng kwarto niya. Nakapatong ang laptop sa mga hita niya at paspas ang pag-click niya sa mouse sa kung anong laro na naman. Nakapatong sa mga tenga niya ang headphones niya kaya nagulat ako na narinig niya pa kong pumasok. "Uy," sagot ko lang at nilapag sa sahig ang napaka bigat kong bag. Sabay kaming umuwi ni Lei ngayon pero kahit nakakotse init na init ako. Parang nilulusaw 'yung balat ko. Bakit pa kasi iba calendar namin? Summer na summer binibilad kami sa campus. Si Nic may dalawang linggong pahinga ngayon kaya naman sinusulit na niya ang maliligaya niyang araw bago siya pum

