Ang Boyfriend Kong... Clause 48: Si Nicolo... Kat's note: Ano nga bang ginagawa namin ni Nicolo tuwing Valentine's? Time Frame: Valentine's Day 2016 Sleepover. Iyan ang nangyari kagabi. Dahil 2016 na ngayon, hindi na ko nakikitulog sa kwarto ni Nicolo kapag nagii-stay ako hanggang gabi. Nasanay na din akong makatulog sa guest room nila. Kaya naman late ako nagising. Dahil hindi ako ginising ng magaling kong boyfriend. Very good, di ba? Ang purpose lang naman kung bakit ako doon natulog is para umaga pa lang kasama ko na si Nic. Pero ayun, gumising ako mag-isa. Valentine's na Valentine's. Naghilamos ako at ini-messy bun ang buhok ko sa ibabaw ng ulo at bumaba na. At tsaka ko lang napagtanto kung bakit hindi ako ginising ni Nic. Na-surprise ako. Oo, masaya talaga. Ang daming nakabalo

