Ang Boyfriend Kong... Clause 53: Si Nicolo... Kat's note: May mga times na hindi lang ako ang pinagtitripan ni Nicolo. Time Frame: First semester. SY 2015-2016 "Mag-clear data ka kasi para mag-load," sabi ko at inayos ang pagkakapatong ng mga libro ko sa lamesa dahil babalutan ko ng plastic. "What's that?" tanong ni Nic. "Sa settings!" "Ah! Oh right, I remember!" pagtawa niya. Sinamaan ko siya ng tingin. "RK kasi eh." Ginulo niya lang ang buhok ko bago bumaba ang kamay niya sa bewang ko kung nasaan iyon kanina. Tina-try niya kasi 'yung application para sa isa nilang course dahil wala daw iyon sa appstore. Natahimik kaming dalawa at nakatapos ako ng isang libro bago nag-notification sound 'yung phone ko. "Oh! Someone messaged you on Viber." "Sino?" tanong ko. "Want me to look

