Ang Boyfriend Kong... Clause 23: Ang Boyfriend Ko at... me PMS-ing [2] Kat's note: Sometimes he can just be so sweet. Time Frame: Recently. "Kat." "Hmmm?" "Bangon na, babe." Nagtalukbong ako ng kumot at niyakap ang unan. "Ayoko bumangon." "Dali na," paghigit niya sa paa ko, "Hindi ka pa ba...uhhh... nandidiri sa sarili mo? Dali na. Para makapagshower ka na." Sa totoo lang, ayoko talagang bumangon. Kasi alam kong pagbumangon ako parang waterfalls effect ang mangyayari sa baba. Kung pwede lang magpapabuhat ako kay Nic papuntang banyo gagawin ko eh. Ang lamig-lamig pa dahil umulan kagabi. "Kat, do'n ka sa banyo ni Mama maligo. Magbabad ka doon sa bathtub. Mainit 'yung tubig do'n." Napadilat ako nang marinig ko 'yung mainit na tubig. Oh s**t, so tempting. Pero kunwari hindi pa ko bi

