Ang Boyfriend Kong... Clause 35: Ang Boyfriend Ko at... endearments. Kat's note: Callsign or endearment. Siguro sa isip-isip niyo ang relationship goals naming dalawa pero 'yan 'yung bagay na wala samin. Haha. Bakit nga ba wala? Here's why :) Time Frame: A few weeks after we were officially together. I couldn't stop laughing. Sobrang sakit na ng tiyan ko kakatawa habang si Nicolo pinapanood lang ako at hindi maintindihan 'yung itsura niya. Nandito kami sa salas nila at kumakain ng tarts na ginawa ko kanina. Halos mabilaukan naman ako sa kakatawa. "Uhm, Kat?" Nic asked uncertainly. Umayos naman na ko ng upo at inayos ko na din 'yung buhok ko pero parang hindi pa ubos 'yung tawa sa loob ng katawan ko. "Oh, ano?" "What's funny?" Sa pagtatanong ni Nicolo kung anong nakakatawa mas lalo

