Hindi ko naiwasan ang pagmasdan ng palihim ang dalaga. Simpleng suot lang nito pero ang lakas pa rin ng dating. Siguro dahil sa maganda ang pangangatawan nito. Nagmukha pang anak ng foreigner dahil sa itsura nito. Lalong gumanda ang mga mata nito dahil sa suot nitong contact lens. Ang cute din nitong tingnan dahil sa suot nitong sunglasses. Kung hindi ko lang alam ang edad nito mapagkakamalan ko itong professional na doctor. Kapag sumeseryoso kasi, ang dalagang tingnan. Pero kapag inaabot ng tupak nagmumukhang bata. Sa kilos at pananalita nito. Pansin ko ang pagiging tahimik nito habang nasa loob kami ng sasakyan. Ngunit bigla na lang nagsungit. Nagtanong pa kung anong tinitingin-tingin ko. Hindi na lang ako nagsalita at ayokong sumakit ang ulo ko sa dalaginding na ito. Bakit

