Napatitig ako sa kamay ng bodyguard ko. "Sasakay na ba ako?" tanong ko. Kita ko ang pagbitaw nito ng buntong hininga. "Hindi pa ba halata senorita?" Imbis na mainis. Napangiti na naman ako. Ewan ko ba kung bakit tuwang-tuwa pa ako kapag nakikita ko itong naiinis. Nakalahad kasi ang kamay nito na para bang aalalayan akong makasampa sa kabayo. Lihim akong napalunok ng maramdaman ang mainit nitong kamay. Para bang may dumaloy na libo-libong kuryente. Hanggang sa bigla na lang kaming magkatitigan. Pakiramdam ko tuloy, naramdaman din nito ang kakaibang naramdaman ko. Ito kasi ang unang beses na nagpahawak ako sa bodyguard ko. Sabay pa kaming napaiwas ng tingin. "Ayy!" Muntik na ako malaglag kung hindi lang nito nasalo ang bewang ko. "Ano ba iyan, kahit sa pagsampa hindi ko kay

