"Princess.." Mabagal akong lumingon. Si Daddy. Lumapit ito sa akin at umupo sa gilid ng kama. Kasalukuyan akong nakaupo noon sa gitna ng kama. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Bigla naman akong napayakap dito. Naramdaman ko ang paghaplos nito sa buhok ko. "Sorry daddy.." "Para saan?" Sinilip nito ang mukha ko. "Sa mga kalukuhan ko. Sa pagiging pasaway ko." Malungkot akong tumingin dito. Bigla namang napangiti ang daddy ko. Nalaman na kasi nito ang ginawa kong kalukuhan. At alam kong walang ibang magsasabi noon kun'di ang bodyguard ko. "Kahit paulit-ulit kang maging pasaway, ayos lang anak. Basta i-lugar mo lang at baka iyan ang ikapahamak mo. Huwag mong kakalimutan kung bakit tayo nagtatago. Kaya sana 'wag mo nang uulitin ang ginawa mong kapilyahan sa bodyguard mo.' Di mo alam ang g

