Hinalikan niya sa noo ang dalagang payapang natutulog. Pagkatapos niyang sabihin sa ama nito ang mga nangyari, nagpaalam muna siya rito. Matalim ang mga mata niyang nakatingin sa kalsada habang nagmamaneho. Umiigting ang panga niya sa matinding galit. Nagtaas-baba rin ang paghinga niya. Hindi mawala-wala sa isip niya ang nadatnan kanina kung paano nakahiga ang dalaga habang nakapatong ang hay*p na lalakeng iyon. Nandilim ang paningin niya at halos mapatay niya ito. Kung hindi niya lang naramdaman ang yakap ng dalaga at ang pagmamakaawa nito, tiyak na hindi na masisikatan ng araw ang buhay ng tatlo. Gusto niyang umiyak dahil pakiramdam niya nahuli siya ng dating. Pagkahatid niya kasi sa dalaga. Tumawag ang kaniyang kapatid at ipinaalam nito sa kaniya ang mga information na hinihingi n

