Nakahinga ako ng maluwag ng payagan na ako nila mommy na umakyat na nang kuwarto. Kanina pa kasi ako napapahikab. Alas Dose na kasi ng gabi ngunit marami pa rin ang bisita. Nagkakatuwaan ang mga ito sa gitna habang sumasayaw. Kaniya-kaniyang partner. Ang kaibigan ko namang si Lalyn, kanina pa nakauwi. 'Di rin kinaya ang antok. Nawalan na rin naman ako ng gana dahil simula yata ng halikan ako kanina ng bodyguard ko, 'di ko na naman ito nakita. Iniisip kong marahil tulog na ito. Pero naisip ko rin, dapat bang mauna ang bodyguard na matulog kaysa sa binabantayan nito? Nagpakawala ako ng mabigat na buntong hininga habang paakyat ng kuwarto. Hindi na rin ako nakapag-paalam pa sa ilang classmates ko na nandoon pa. Pagbukas ko ng ilaw sa kuwarto biglang napa-awang ang bibig ko ng maki

