Alas kuwarto na ng madaling araw hindi pa rin ako makatulog. Hanggang ngayon 'di pa rin ako makapaniwala sa lahat ng ikinilos at ginawa ng bodyguard ko sa akin. Bigla kong natakpan ng unan ang mukha ko. Ramdam kong pulang-pula ang mukha ko sa kilig na nararamdaman ko. Kanina pa ako napapatili at nagpapadyak dahil sa kiliting nararamdaman ko. Para bang may humahalukay sa loob ng tiyan ko. Hindi mawala-wala sa isip ko ang maalab nitong halik na para bang sabik na sabik! Ang mga yakap nito na para bang ayaw akong pakawalan. Grabi ang hiyang naramdaman ko kanina dahil bigla-bigla na lang itong sumusulpot. Ramdam ko pa noon na nagkulay kamatis ang mukha ko sa sobrang hiya. Wala pa yatang nakakakita ng katawan ko maliban sa kaniya. Kaya labis ang kabang naramdaman ko. Laking gulat ko at na

