Sinalubong ako ng tauhan ko. "Boss." Sabay yuko. "Nasaan ang nobya ko?" Habang malalaki ang hakbang palapit sa mansion. "Nasa kuwarto boss. Kaunti nga lang ang kinain e. Ayaw ding makipag-usap kahit anong gawin namin." Nagpakawala ako ng buntong-hininga. Kaagad akong tumungo sa itaas. Halos takbuhin ko na masilayan ko lang ang babaeng mahal na mahal ko. Maingat kong pinihit ang seradura ng pinto. Alas sais na nang hapon ng mga oras na iyon. Napalunok ako ng makitang nakasubsob ang mukha nito sa tuhod habang yakap-yakap nito. Gumalaw ang panga ko ng maramdamang humihikbi ito. Ramdam ko ang paninikip ng dibdib ko. 'Di ko gustong nararanasan nito ang ganito. Pero nangyari ang hindi ko mga inaasahan. Mabagal akong lumapit dito. Halatang hindi pa rin nito ramdam ang presensya ko. Lumi

