MARYCOLE Napakabilis ng araw ilang buwan na ang nakaraan simula ng mag-alsa balutan ako ay wala ng naging problema sa amin ni Rowan. Tampo lang kalimitan ay ko iyon masyado kasi akong matampuhin dahil nga siguro dala ng paglilihi ko. Ngunit matiyaga ang asawa ko kapag masungit na ako hindi ito sasabay. Five months na ang malaki kong tiyan. Mabuti talaga pumayag ako na bigyan kami ng Mommy ni Rowan ng kasama ko sa bahay at naging madali sa akin ng buwan ng paglilihi ko. Hindi kasi talaga ako makakilos kapag umaatake ang dizziness ko. Dagdagan pang nagduduwal ako maya-maya. Malaking tulong na meron ako kasama kaysa hindi makakapasok si Rowan sa labis na pag-aalala sa akin. Nakapasok na si Rowan kanina. Hindi na ako nito pinabangon bago siya umalis. Ayaw ko rin at tamad pa akong umalis sa

