IRON COW GIRL - 7

1383 Words
*NOAH* Di ko talaga malaman bakit napapayag ako na sumama sa event na ito. Tumayo ako mula sa kinauupuan at nilapitan si Zayne. " brad , asan na ba si Gunderson akala ko ba malapit na siya nag uumpisa na ang show sigurado ka ba na pupunta yun dito." " oo actually nasa labas na daw siya , may humarang lang sakanya teka tara tignan natin." ani Zayne at nag lakad na palabas ng booth. Ako naman ay sumunod na lang din sa kanya , napahinto ako ng pag lakad ng matanaw ang likuran ng isang babae. it's that her . Sa porma nito ay alam ko na agad na motorcycle rider ito kahit pa nakatalikod ito.Kaya walang ibang babae na pumasok agad sa isip ko kundi ang misteryosong rider na yun.Naputol ang pag suri ko sa likuran nung babae ng hilahin ako ni Zayne sa braso. "brad, ayun si Gunderson." sabay turo nito sa isang grupo na nag kakagulo. Nung ibinalik ko ang tingin ulit sa babaeng nakita ko nawala na iyon inilibot ko pa ang tingin gusto ko makasiguro kung siya nga ba iyon ang rider na nakasabay ko sa traffic, di ko rin maintindihan ang sarili ko , but i want to see her again and i want to know her. "Noah ,brad sino ba hinahanap mo nandun si Gunderson tinatawag tayo." tinapik tapik pa ako nito sa balikat. Napailing na lang ako. " nothing , i thought i see someone ." sagot ko kay Zayne at sabay na namin nilapitan si Gunderson. " brad, long time no see." bati ko agad kay Gunderson ng makalapit kami ni Zayne at mag sialisan na ang mga taong nag papapicture dito. " yeah its been a year, but don't worry i be here for a while baka kayo na ang mag sawa sa pag mumukha ko." ani Gunderson na natatawa. " that's good we can hangout a lot while you here." ani Zayne. Matapos ang kamustahan ay tinawag na ito para mag participate sa event. Kami ay nanatili na lamang sa loob ng booth para makaiwas na din sa dami ng tao. Wala din ako gana makihalubilo dahil ang laman lang ng isip ko ay ang babaeng rider na yun na di na mawalawala sa sistema ko soon i will find her and when the time it comes sisiguraduhin kong di kana makakawala sakin. **EMERALD** Nanakit ang mga paa ko ng makabalik kami sa booth matapos namin mag ikot ikot sa ilang mga nakadisplay na mga mamahalin at magagarang sasakyan. Nakita din namin si Gunderson Walker na nasa stage, mukhang sikat na sikat nga ito at ang daming nag kakagulo at nag titilian gwapo naman kasi at sigurado na maganda ang pangangatawan nito sa loob ng suot nitong damit. Nung mag yaya si Aria na lalapitan nila si Gunderson pag baba ng stage di na ko sumama sakanila nag paalam na ako na uuwi ng maaga di na nila ako kinulit na sumama pa sakanila ni Emmaline.Sumama naman sila Zoey at Mia sa akin para balikan ang helmet ko sa booth. " gurl , ingat ka." sabi ni Mia ng maihatid nila ako sa parking lot. " gurl , text mo ko pag nakauwi ka na ok , wait lang namin sila Aria na makabalik uuwi na din kami." ani Zoey " oo naman , sige text ko kayo pag nakauwi na ko, di na kasi ko pwede mag tagal mag aasikaso pa ako para bukas alam niyo na need ko mag lipat , next time na lang bonding tayo." sabi ko habang sinusuot ang helmet. At sumakay na ko , binusinahan ko pa sila bago pinaharurot ang motor. Tahimik na ang buong kabahayan ng makauwi ako, may susi naman ako palaging dala kaya di ko na kelangang mang gising ng mga tao sa bahay namin. Pag pasok ko sa silid ay napahiga ako agad at kinuha ang cellphone para itext sila Zoey na nakauwi na ko. Napabangon pa ako ng marinig na tumunog ang cellphone ko tumawag si Zoey. " gurl, nakauwi na ako safe , medyo mabilis din dahil maluwag na ang kalsada." sabi ko ng sagutin ko ang tawag. " ok gurl , pauwi na din kami pero si Aria nag paiwan di pa tapos makipag usap kay Gunderson, na medyo di pala maganda ugali nun sabi ni Emmaline di na daw niya idol yun" natatawang sabi ni Zoey. " what happen ok lang ba na sumama si Aria dun." nag aalalang tanong ko agad. "Nakita na lang namin dito si Emmaline sa booth nung pag balik namin galing sa pag hatid sayo, ayaw naman mag kwento nitong bruhang to ano nangyari, by the way ok naman si Aria kaya naman nun ang sarili niya saka involved ang daddy niya kaya she will be fine i think." ani Zoey Nakahinga naman ako ng maluwag. "ok sige ingat na lang kayo pag uwi gurls, paki sabi na lang din sakanila bye" , paalam ko na sakanya , Napahiga ako ulit sa kama at napatingin sa kisame at unti unting hinila ng antok. Napabalikwas ako ng bangon ng makarinig ng sunod sunod na kalabog , Kinusot kusot ko pa ang mga mata pag tingin ko ng oras ay pasado alasnuwebe na ng umaga. Bumangon na ako at nag deretso sa banyo naligo at nag bihis ng simpleng pang bahay malaking t-shirt at maiksing short. Pag baba ko naabutan ko ang dalawang kong kapatid kasama si mama na busy na may kinakalkal na kung ano ano sa kusina. " ma," tawag ko ng makalapit sa kanila at naupo sa tapat ng counter. " oh buti naman nagising ka na tignan mo itong mga ipapadala ko sayo para dun sa lilipatan mo." sabay turo nito sa mga gamit na di ko naman alam pano ko gagamitin ni wala nga ko alam sa gawaing bahay. " ma , ano ba yan?." napakunot ang noo ko at puno ng pag tataka na sabi ko. " mag isa ka lang dun anak kaya dapat matutu ka na sa mga gawaing bahay , para pag nag asawa ka di ka aanga anga." sermon nito sa akin. " ma , condomium po ang lilipatan ko kaya sigurado po na kompleto na ang gamit dun saka sabi sakin ang kompanya na sila ang bahala sa mga kakailangan ko saka may canteen naman dun at siguradong may malapit na laundryshop din kaya di ko na kelangan pa matutu ng gawaing bahay." mahabang sagot ko. " saka ma, trabaho ang dahilan kung bakit ako lilipat hindi para mag handa para sa pag aasawa." pahabol ko pang sabi. " yan ate si mama ang kulit pati kami dinadamay pa pinababa pa sa amin ni Gil mula sa attic yung maleta ni papa dati kasi malaki daw yun kakasya ang lahat ng ipapadala niya sayo." napapailing at natatawang sabi ni Pearl ang nakakabatang kapatid ko. " ma , parang ayaw mo na ko bumalik dito, di ko pa nga alam kung mag tatagal ako sa trabaho ko at alam mo na first job ko ito diba." aniya ko " malaki ang tiwala ko sayo anak , kayang kaya mo yan nakapag tapos ka naman at saka matalino ka , mga basic needs lang naman ang lahat ng ito. Saka matutu ka mag luto para makatipid ka pano ka makakaipon kung puro ka bili maiintindihan mo ang lahat ng sinasabi ko pag nakabukod ka na." " ok fine sige na wala na po ko sinabi" , no need na makipag talo at alam kong wala din ako magagawa at ipag pipilitan lang niya iyon di ko naman pwede sabihin na may kasama ako sa bahay yung Boss ko pa. kumuha na ko ng baso at nag salin ng gatas at lumipat na ako sa hapag kainan. " naihanda mo na ba ang mga damit mo? " habol na tanong ni mama sa akin ng makitang lumipat na ako sa mesa para kumain ng almusal. " mamaya na po pag tapos ko kumain." " oh siya sige kumain kana diyan at maya ihahatid na kita para alam ko san ang titirahan mo." " ok po ." tanging naisagot ko dahil sa dami ng ipapadala niya sa akin mahihirapan ako kung mag cocomute pa ako di rin naman pwede sa motor iyon siguradong di mag kakasya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD