*NOAH*
" Kaya ayaw ko umuwi dito , you know how much i hate traffic." galit na sabi ko.
Kausap ko ang 22 yrs.old na nakababatang kapatid. Habang inaantay na umusad ang usad pagong na traffic.
" bro , ok lang yan masasanay ka din." ani Alistair na natatawa pa sa kabilang linya.
" Kung di lang ako na blackmailed nila Dad at Mom di talaga ko uuwi dito."
" Kuya Noah ano ba ang sinabi ni Dad sayo at talagang napapayag ka niya na umuwi samantalang halos tatlong taon ka na niya kinukulit pero di mo maiwan ang buhay mo sa state, so what's change your mind? "
" naku don't ask me, i don't want to remember our conversation about-
Napahinto ako sa pag sasalita ng mahagip ng mata ko ang nasa side mirror na palapit sa side ko. Isang kulay pink black na motorbike , pero ang mas nakaagaw ng pansin ko ang nag mamaneho nun.
" kuya andjan ka pa ba" ani alister sa kabilang linya ,pero di ko man lang sinagot ang tanong niya hanggang sa nawala na iyon sa kabilang linya puro beep na lang ang narinig ko sa earpies.
Napatulala na lang ako ng tumapat ang sinasakyan niyang motorbike , mismo sa tabi ng kotse ko buti na lang at heavy tinted ang porshe na dala ko. Kundi nakakahiya kung makita niya ang itsura ko ngayon.
I bet my life she's beautiful like her sexy curves body , kahit natatakpan ng helmet ang buo niyang mukha. f**k nabubuhay ang pag kalalaki ko. Nang mag green na ang traffic light ay bigla na lang ito humarurot ng takbo.
who she is ? f**k di ko man lang nakuha ang name o platenumber ng motor niya , sana makita ko pa siya ulit at sa susunod di ko na talaga hahayaan na mawala siya sa paningin ko. Hanggang makapag park ako sa basement ng company ni dad wala ng ibang laman ang isip ko kundi ang babaeng sakay ng BMW na motor.
" sir this way po , " ani ng isang guard ng mag lakad ako palapit sa pinto ng elevator pero itinuro niya ako pasakay sa isang private elevator.
Kilala na ba nila ako , oh well baka na abisuhan na nga na parating ako. Sumunod lang ako sa guard hanggang sa huminto ang elevator sa top floor ng building.
Nang lumabas ako ng elevator may sumalubong na empleyado sakin at yun na ang nag hatid sakin kung asan ang office ng ama ko.
" dad " tawag ko ng makapasok ako agad sa loob at nakita kong nasa harap ito ng laptop niya.
" oh son andito kana pala sabi ni Alistair na stuck ka sa traffic."
Naupo naman ako sa visitors chair. " yeah but im here na , so what im going to do here."
" you're going to be a new CEO in this company your office is down there in the 40th floor."
" hhhmm , akala ko im going to be a chairman of this company and your going to retired."
" yeah but i need to know if you can handle my company very well , before i passed this to you , alam mo son ang hirap ko dati sa pag papalago ng companya natin."
Tumayo ito at lumapit sa lagayan ng alak at kumuha ng dalawang baso at inilagay sa harapan ko at saka sinalinan ng rum at nag patuloy na sa pag sasalita. "ang QIUNN CONSTRUCTION & TRANSPORT INDUSTRY natin ay di naman agad malaking pangalan yun nung ipamana iyan sa akin ng yumao mong lolo , sa pag lipas na lamang ng panahon at pag unlad ng ekonomiya saka naging matunog ang pangalan natin sa lipunan at ngayon nga ay kahit sa ibang bansa ay kilala na tayo." ani ng ama, bago sumimsim ng alak.
" yes dad i know , i personally managed our extention company in u.s so i think i can also handle this company." inubos ko naman ang iniinom kong alak.
" i know you son and i trust you , come ipapakilala kita sa buong department they are all waiting in the Convention Hall." nagpatiuna na ito palabas ng office siya naman ay nakasunod lang sa kanyang ama.
**EMERALD**
Itinabi ko ang aking baby BMW ng park sa tabi ng mga BMW din na motor ng mga kaibigan ko, actually pag nag kikita kita lang kami ito talaga ang dinala naming motor dahil sa nakakatuwa pag masdan dahil iba iba ang kulay ng mga motor namin pero same model.
" hey gurl in here " tawag ni Aria , kumaway kaway pa ito para makita ko.
Kinawayan ko din siya at lumapit na sa table na inuukupa nila na malapit sa glass window na matatanaw ang mga babies namin.
" so ano meron bakit ang aga ng tambay natin." bungad kong sabi ng makaupo at sabay inom agad ng strawberry shake ko na inorder na nila at dinala lang sa table ng makaupo na ako.
" heto kasing si Mia nag drama na naman yung ex bf daw niya nakita niya kanina dun sa mall may kasamang babae." ani Zoey
" kasi naman 1week pa lang kaming hiwalay tapos ibang babae na naman ang nakita kong kasama niya." ani Mia
" hay naku Mia tigil tigilan mo na yang lalaking yan , kaya nga kayo nag hiwalay diba gawa ng pang bababae niya kaya wag kana mag taka kung iba na naman ang kasama niya." ani Aria
" oo nga gurl , kung ako sayo kakalimutan ko na yung lalaking yun he's not deserving." sabat ko." your pretty and intellegent so you don't need him." dugtong ko pa habang inuubos ang shake ko.
" yah i know but his my long time bf that's why i can't get enough of him that easily you don't know what i feel because you never have bf Emerald , and you to Aria , sila Zoey at Emmaline naman ay parehas kung mag palit ng bf ay parang nag papa gas lang." nakangusong sabi ni Mia.
Natawa naman ng sobrang lakas si Zoey sa tinuran ni Mia sa kanilang dalawa ni Emmaline. " ang harsh mo naman samin gurl". ani Zoey
Natawa na lang din ako kasi tama naman si Mia , i never know what she feels like, because i never had a bf ever since , kahit nung nag aaral pa ko madaming naman ako naging man liligaw pero wala talaga akong interest sa kanila ni isa wala ko nagustuhan o naramdamang spark.
Natakot pa nga ang papa ko nun kasi baka tibo raw ako, girl din ang gusto nag iisa pa naman akong anak nung mga panahong iyon pano daw sila mag kaka apo kung di ako makakapag asawa. Natawa na lang ako sa tuwing maalala yun.
Ewan ko ba sa tanda kong ito naniniwala pa din ako sa mga sabi sabi ng matatanda na when you find your Mr. Right o yung taong itinadhana talaga para sayo makakaramdam ka daw ng kuryente sa unang pag lalapat ng mga balat ninyo tapos mag kakaroon ng spark at hihinto saglit ang mundo mo na parang kayong dalawa na lang ang nag eexist sa mundo.
Nag tagal pa kami ng ilang oras sa tambayan ng dumating si Emmaline, bago napag pasyahan namin na mag stroll para na din mawala sa isip ni Mia ang ex nito. At ng nasa kalsada na kami halos lahat ng madaanan namin ay napapalingon o di kaya napapabusina ang mga kotse na nakakasabay o nakakasalubong namin lahat. Panong di mapapansin lima kaming naka BMW na motorbike humaharurot sa kalagitnaan ng sikat ng araw sa edsa at nag sesexihan pa ang mga nag mamaneho.