IRON COW GIRL - 6

1272 Words
Pag kauwi ko sinabi ko agad kay mama na natanggap ako sa inapplayan ko, natuwa naman ito agad sa binalita ko kaya panay ang sunod at tanong sa akin hanggang makapasok sa loob ng aking silid , pero bigla din napalitan ng pag aalala ng sabihin ko na lilipat ako sa isang condo na malapit sa kompanya. Naupo ito sa gilid ng kama habang ako naman ay namimili ng damit na susuotin. " anak , kelangan ba talaga na lumipat ka ? " " oo ma , require kasi na dun ako mag stay gawa ng secretary ako ng anak ng may ari nung kompanya kaya busy madaming trabaho ,dapat malapit lang ang tirahan ko at saka sagot naman ng kompanya ang lahat ng gastos ko dun." " ganun ba ,uuwi ka naman dito pag day off mo." " siyempre naman ma, pag day off ko at di ako busy dadalaw at uuwi ako , saka andito kaya ang mga babies ko, di ko sila madadala dahil may service naman ako at di naman ganun kalayo ang condo sa kompanya, wag kana mag alala tatawag na lang din ako ng madalas para ipaalam na ok ako." " ok sige , maigi na rin pala yun para di kana mapagod din kung mag uuwian ka bibiyahe ka pa pano kung sa sobrang pagod mo maaksi-- " ma , " tawag ko sa kanya para di na niya maituloy ang sasabihin maalala na naman nito ang aksidente ng kanyang ama. " bukas pa ako mag lilipat , aalis lang ako ulit ngayon may puntahan kami nila Aria." pag iiba ko na ng usapan at baka san na naman mapunta ang usapan , di ko na nga binanggit na makakasama ko sa bahay ang Boss ko sigurado pag malaman ni mama yun di ito papayag yung sa mga kaibigan ko nga kanina naikwento ang dami na nila violent reaction mas lalo na siguro si mama. Pansamantala lang naman ito susubukan ko lang , at malamang sa kotse nun ako sasakay pag papasok sa work kaya di ko na talaga kelangan mag dala ng motor pang service ko. Napaigtad pa ako ng mag salita ulit si mama napalalim na pag iisip ko pala. "oh siya sige lumarga kana wag kana lang mag pa umaga , sabi mo mag lilipat ka pa bukas." " opo ma , di naman race pupuntahan namin car show lang yun maaga yun matatapos uwi ako agad." Tumango lang ito at nag tuloy tuloy ng lumabas sa silid ako , nag punta na din ako sa bathroom at mabilis na naligo lang ang ginawa ko saka isinuot ang napili ko na fitted leather pants at tinernuhan ko ng red tube at ng mapag masdan ko ang sarili sa salamin litaw na litaw ang maputi at makinis kong balat , papalubog naman na ang araw kaya ayos lang na ganito ang isuot matatakpan din naman ng jacket. Nang makuntento na sa ayos ko inabot ko na agad ang susi sa may vanity mirror at nag madali na ako lumabas. Tamang bilis lang naman ang pag papatakbo ko , pag dating sa intersection ay nakasabay ko na sila Zoey at Mia nag businahan kami ng makita ang isa't isa at sabay sabay na namin tinahak ang daan patungo sa nasabing event. Nang makarating kami sa parking lot nandun naman sila Aria at Emmaline nakaupo sa mga motorbike nila at mukhang kami na lang inaantay. Hinubad ko agad ang helmet at inayos ang aking kulay chestnut brown na buhok . " Aria bilib na talaga ko sayo gurl may sarili kang parking area." narinig kong sabi ni Zoey kay Aria ng nilapitan ito. " gurl nagulat nga kami kanina sa gate ng papasok na kami dito para mag hanap ng parking hinarang kami ng guard." sabad naman ni Mia. " ako di na masyado nabigla kanina nung hinarang tayo alam ko na kasi" natatawang sabi ko, " Aria Lozada the sole Heiress of L CORP." at tuluyan na ding nakalapit sa kanila. " tama na yan come on lets go inside , kanina ko pa gusto pumasok dun sa loob ang sabi aattend daw yung international car racer na si Gunderson Walker at madami pang mga sikat na racer." excited na sabi naman ni Emmaline. " tara na nga gurls , kanina pa nangungulit tong si Emmaline , ang tagal ninyo daw sabi ko di pa naman nag sisimula may 30mins pa bago mag start." ani Aria na nag patiuna na sa pag lalakad papunta sa mismong event sumunod naman kami sa kanya. Pag pasok namin halos lahat napapalingon sa gawi naming lima , sino bang hindi mapapalingon sa aming lima nag gagandahan at nag seseksihan sa mga suot namin na agaw pansin talaga lalo na sa mga kalalakihan , may isa pang napagkamalan na model kami sa car show tinatanong san daw ang pwesto namin para makapag papicture daw sila. Napapailing at natatawa na lang kami mag kakaibigan hanggang makarating kami sa isang booth nakita ko ang mga empleyado ni Aria kilala ko na sila dahil nung kumakarera pa ako madalas kami mag kasama ni Aria. " gurl , may booth ka pala dito kasali ba sa show ang mga cars mo." tanong ko kay Aria. " oo gurl , kagaya ng sabi ni Emmaline kanina madaming racer ang nandito kaya na invite ako sa event na ito may racer akong gustong makuha dahil ang balita ay may gaganapin na karera dito pinas di pa naman alam kung kelan yun." " mag tatampo na ko sayo may iba ka nang racer na gusto i manage." pag dradrama ko sakanya. Lumapit ito sa akin at pinag kabit ang mga braso namin nakinangiti ko agad. " ano ka ba gurl ang L CORP ang may gusto na hawakan ang racer na yun , di ako mismo ang hahawak dun alam mo naman na ikaw lang ang racer ko." mas lumaki ang ngiti ko. " joke lang yun gurl , ok lang sakin binibiro lang kita." natatawa ko ng sagot. " anyway kaya talaga ako na invite dahil kay daddy gusto niya ay personal kong makilala at makausap itong racer kaya mamaya hihiwalay na ako sa inyo ha." ani Aria " wait sino ba tong racer ha?" ani Zoey " oo nga nakakaintriga naman talaga ikaw pa talaga ang ipapaharap ng daddy mo." ani Mia " siiiiii Gunderson Walker !!! " tumitiling sigaw ni Emmaline. " naku Emmaline tigilan mo na yan ha , kanina ka pa." saway ni Aria " ok nakaka excite naman kasi sikat kaya yun ilang beses ko na napapanood ang mga karera niya sa t.v ang galing niya sige na Aria isama mo na ako sa meeting ninyo mamaya mag papa autograph lang ako. " later i try pag nakahanap tayo chance na di siya busy ipapakilala pa kita sakanya para matahimik kana jan ok." " OMG talaga gurl thank you." natatalon sa tuwa nitong sigaw. Natatawa na lang ako sakanila, makulit talaga itong si Emmaline kaya talaga nagulat ako ibang iba siya pag dating sa trabaho. Inikot ko ang paningin sa kabuuang ng event , ang laki ng event na ito kung halos lahat ng mga racer ay nandito mukhang di pala ito simpleng car show lang kagaya ng nasa isip ko. Dumadami na din ang mga tao nag kakanya kanya na ng kuhaan ng picture ng mga nag gagandahang sasakyan may mga modern at may mga vintage din at siyempre sa mga seksi na model. "hmmp mga lalaki talaga makakita lang ng maiksi ang suot at labas ang dibdib ang mga mata nag lalakihan talaga." napapailing kong sabi sa isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD