*NOAH*
Nang maisara ni Jewel ang pinto saka pa lang ako nag angat ng tingin sa nilabasan niya at napahugot ng malalim na buntong hininga, ilang minuto pa lang parang na mimiss ko na siya nasanay na ko na lagi kami magkasama. Sinara ko ang laptop at kinuha ang coat ko saka nag lakad napalabas ng opisina , kasasakay ko lang sa elevator ng marinig na nag iingay ang cellphone ko agad na kinuha at ng makitang si Peyton ang natawag isa sa mga kaibigan ko sinagot ko ito.
" what's up brad, napatawag ka" tanong ko
" sobrang busy ba sa work kaya nakalimutan mo na ngayong gabi ang opening ng bagong branch ng bar ko" ani Peyton
" ngayong gabi na ba yun akala ko nextweek pa"
" buti na lang pala sinabihan ako ni Zayne at Gunderson na tawagan ka at siguradong nakalimutan mo na dahil di ka nag paparamdam nitong mga nakaaraang araw sakanila."
" medyo busy lang at nag kaproblema ang isa sa mga site na hinahawakan ko, so pupunta ba ang mga yun mamaya" aniya ko
" oo naman palalampasin ba nila ang mga chickababes siguradong madami mamayang gabi at pati si Rome pupunta din mamaya pag lapag ng eroplano niya daw deretso siya sa Club ko kaya time out ka muna sa work mo let's party to night." natatawang sabi nito.
" ok fine see you later brad" napapailing na lang akong pinatay ang tawag at pumasok na sa sasakyan ko at pinaandar na ito pauwi sa condo.
*EMERALD*
Saktong 9pm nasa parking lot na kami ng Club Sky , kagaya ng kinaugalian namin dala ang mga baby BMW namin at halos lahat kami ay naka fitted black pants at napag tripan namin isuot ang sexy black tops na parepareho ng style sa likod na pa exis ang strap at ganun din sa harap may paexis na strap sa may bandang dibdib kaya naman labas ang cleavage namin sa suot at labas din ang pusod , may naka print pa na SEXY IRON COW GIRL at halos lahat sa parking lot ay pinag titinginan na kami, sino ba ang di makakapansin sa aming mag kakaibigan habang sexy na nag lalakad papuntang entrance ng Club napapangiti na lang kami sa mga kalalakihan na halos lumuwa na ang mga mata kakatitig saming lima.
" gurl ,mukhang dito na ata ako makakahanap ng bago kong pag ibig" ani Mia.
" bakit mo naman nasabi yan ano pinag kaiba ng Club na to sa mga pinupuntahan natin" kontra agad ni Zoey.
" gurl this is not ordinary Club like we use to visit ,this is Club Sky this is one of the top and highends club di makakapasok dito ang kung sino sinong tambay lang sa tabi tabi."
" so you mean all the men here are all bachelor?" sabat ni Emmaline nanagnining ning na ang mga mata sa mga lalaki na nakakasalubong namin.
" yes yes and yes kaya gurl baka andito na ang lovelife natin" tumitiling sabi ni Mia kay Emmaline.
Natawa naman ako at kapapasok palang namin dito ay mukhang mag eenjoy kami maingay at maharot ang musika madami na rin ang nag sasayawan sa gitnang bahagi ng club, at may nakita pa kaming live band na nag aayos baka mamaya siguro tutugtug.
" gurls here our table " ani Aria sabay turo ng table namin ,at napansin ko na kanina pa siya medyo tahimik kaya sinadya kong tumabi sakanya ng upo paikot naman ang couch na inuupuan namin at sila Zoey din ay naupo na din mamaya maya lang ay may dalawang machong waiter na topless ang tumayo sa magkabilang side ng table namin parang mga body guard sila raw ang naka assign sa table namin para asikasuhin ang lahat ng gusto naming inumin o orderin basta sabihin lang namin sakanya. Tumango tango na lang kami at napahagikgik naman sila Emmaline at Mia dahil sa mga pandesal ng mga waiters na nasa harapan namin.
Nang makapili kami ng iinumin ay parehas muna umalis ang dalawang waiters namin.Wow this is different di ko maiwasan hangaan ang pag ka organized ng Club na ito medyo layo layo ang table sa laki ba naman ng lugar at kada table may sariling waiters nga naka assign depende pag puro lalaki ang nasa table mga sexy ang waiters na nag seserve pag girls like us mga machong waiters naman ang mag seserve.
"gurl are you ok?" tawag pansin ko kay Aria ng panay ang tingin sa cellphone niya.
" yeah im ok gurl lets enjoy the night ang sabi later lalabas ang may ari ng Club bihira mag pakita ang nasabing owner nito but today he's here kaya siguro madami ding babae ang nandito." nakangiti nitong sabi. At pati sila Mia ,Zoey at Emmaline ay tuwang tuwa din sa sinabi ni Aria.
Nag aalala man ako sakanya kasi kilala ko siya pag may bumabagabag sa loob niya pero pinag sa walang bahala ko na lang muna this is not the right place din para pag usapan ano man ang bumabagabag sakanya maybe i will visit her personally in her office to talk about her ,but to night we enjoy and party.
*NOAH*
Wala pa masyadong tao dahil 7pm pa lang ay nagkita kita na kami nila Zayne at Gunderson dito sa club ni Peyton nandito kami sa itaas VIP ROOM at mula dito kita namin ang ibaba sa glass wall but no one will see as inside ,at dahil maaga pa dinner ang pinahanda ni Peyton para sa amin dahil ayaw niya na malasing agad mahaba pa raw ang gabi natawa na lang kami sa kanya.
" brad what time ba ang sabi ni Rome na dating niya." ani Zayne kay Peyton
" he said 9pm kaya baka before 10 andito na yun kaya nga mamaya na tayo mag inom ok."
" Gunderson where's your chick?" tanong ko naman.
" she's not yet mine but soon she will " makahulugang sabi nito nakina iling iling ko na lang.
Dumarami na din ang mga tao sa ibaba at dahil sound proof ang VIP Room na kinaroronan namin di naman naririnig ang maingay na tugtugin sa ibaba ,pero may sarili kaming entertainment dito sa itaas music at may mga sexy na waiters na nasa tabi namin tig iisa kami na pinag sisilbihan kami.
" he's here "sabi ni Peyton habang hawak ang cellphone nakatapat sa tenga. Tumayo naman agad si Gunderson para sumilip sa malapad na glass wall.
"brad nasa backdoor siya papasok alam naman niya ang dadaanan may nag aantay na sakanyang tauhan ko" sabi ni Peyton kay Gunderson ng makitang seryoso si Gunderson nakatingin sa ibaba. Pati tuloy ako napatayo na din at tinapik tapik pa si Gunderson sa balikat para makuha ang attention nito.
Nag tatagis ang mga bagang nang humarap ito sa akin at madilim ang mukhang naupo at sunod sunod na tumungga ng alak. Napakunot na din ang noo ni Zayne ng makita ang ginagawa ni Gunderson.
"what is its brad?" tanong ni Zayne. Uminom pa muna ito ulit bago nag salita "i saw her down there my girl" at pabagsak na ibinaba ang baso.
"woah wait akala ko ba di pa siya sayo so what kung nag paparty siya sa ibaba" ani Zayne. Matalim ang mga mata na pinukol nito kay Zayne ,tinapik ko ito sa balikat at napatingin naman ito sa akin.
"brad lets go get her" sabi ko na nginitian siya ng makahulugan. Nakuha naman nito ang ibig kong sabihin kaya tumayo ito agad.
"wait sama ako jan kanina ko pa gusto makakita ng mga chikababes sa ibaba" habol na sabi ni Zayne.
Bago kami lumabas ay nilingon ko pa si Peyton na natatawa tawa at napapailing na lang "go i wait you all here" tinanguan ko lang ito bago tuluyang sumunod kina Gunderson at Zayne.