Chapter 73 ANNIE's POV: "Mommy, sa inyo po ba talaga itong malaking bahay?" sambit ni Symon na tila hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita ngayon. Hindi niya lubos maisip na may ganitong yaman ako na tinatago. "Yes baby, kay mommy ang mansion na ito. At dito na tayo titira," sagot ko naman sa bata para hindi na siya magtanong pa. Hindi naman maipinta ang mukha ni Hazel habang nakatingin sa amin ng anak ko. Naka-dekwatro siyang upo at nasa mismong sala kami nakapwesto. Hinihintay kasi namin na dumating ang Attorney para sa gano'n ay malinawan na kaming dalawa tungkol sa mga properties na iniwan ni papa. Hindi ko nga alam kung saan ba humuhugot ng kakapalan na mukha ang babaeng ito. Masyado niyang pinagpipilitan ang karapatan niya kahit hindi naman siya tunay na anak ni papa. S

