CHAPTER 65 ANNIE's POV: "SYMON? Baby?!" pagsisigaw ko habang tinutungo namin ang mga posibilidad na puntahan ng bata. Sinimulan na kasi namin ni Aeron na hanapin si Symon sa paligid. Hindi kami pwedeng magsayang ng oras lalo na't pareho naming nalaman na nandito na sa Zambales si Tristan. Talagang mautak ang hayop na 'yon. Ang tindi ng pang-amoy ng ilong niya. "Symon? Anak? Nasaan ka?!" I shouted again. Nandito kami ni Aeron sa falls kung saan ito kagaad ang inuna naming puntahan. Paborito kasi ito ng bata. Madalas kaming pumupunta rito sa tuwing mainit ang panahon. Malamig kasi ang tubig ng fall at kay sarap na paliguan. Kaya lang nilibot na ni Aeron ang kasuluk-sulukan ng falls ay hindi niya pa rin makita si Symon. Hindi pa namin mahanap ang bata. "Baby? Symon?!" pagtatawag ko

