CHAPTER 68 TRISTAN's POV: NANG medyo tumila na ang ulan ay napagdesisyunan kong ihatid na ang bata. Maraming lamok sa kuweba at hindi ko naman kakayanin na makita siya na hindi komportable sa kanyang hinihigaan. Ayoko na sanang ibalik pa si Symon kay Annie. Nais ko na sanang kunin ang bata para makasama ko ito nang matagal. Kaya lang naisip ko na mas magagalit sa akin si Annie at pag-iisipan niya pa ako ng masama. Hindi ko na kayang dagdagan pa ang galit na namumuo sa dibdib ng babae dahil tiyak na mahihirapan akong kunin muli ang loob at tiwala niya. BAGO ko ginising si Symon ay pinagmasdan ko muna ang mukha ng bata. Hindi ako magkakamaling ilalayo na ito nila Annie sa akin. Matagal na panahon na naman ang hihintayin ko bago ko masilayan muli ang mukha ng batang ito. Pagkagising k

