CHAPTER 1
“Where it All started”
Si Mariana ay kilala bilang pinaka-matapat na madreng naglilingkod sa simbahan at kumbento ng Sta. Monica. Ibang klase siyang babae sa lahat. Hindi matutumbasan ng kahit anong yaman sa ibabaw ng lupa ang kaya niyang gawin at isakripisyo, magampanan lamang ang kanyang tungkulin sa simbahan at sa Diyos. Isinara ni Mariana ang puso niya para sa kahit sino mang lalaki na maghahangad na siya ay mahalin, ngunit binuksan niya ito para sa lahat ng mamamayan ng Sta. Monica na para sa kanya ay higit na nangangailangan ng kanyang tapat na pagmamahal. Tahimik at payapa ang lahat ng baryo sa Sta. Monica hanggang sa dumating ang pagsubok na tila hindi kaya ng sino man na malagpasan. Marami ang naging ganid sa kayamanan. Naging mapanglamang ang mga may kakayahan sa buhay, kung kaya mas lalong naghirap ang mga taong noon pa man ay naghihikahos na sa buhay. Upang maitaguyod ang kanilang pamilya ay natuto silang kumapit sa patalim. Naging talamak ang lahat ng bisyo at krimen sa paligid na ayon sa mga nakatatanda ay tila isinumpa ang kanilang lugar. Marami ang nagkalat na kuro-kuro at haka-haka sa Sta Monica, subalit ni isa ay walang naglakas ng loob na patunayan ang mga bali-balita.
“Matapang ka para ihain ang iyong sarili Mariana, subalit gusto kong ipabatid sa iyo na matagal ko nang hinihintay ang pagdating mo.” Narinig niyang sabi ng nilalang na tinatawag nilang si Lucifer.
Isang demonyo, ganid, at walang kasing sama na espirito.
“Subukin mo mang pasukin ng tuluyan ang lahat ng kaisipan ng lahat ng tao dito sa mundo ay hinding-hindi mo magagawang angkinin ang puso at isipan ko!
Mananatili akong tapat sa pag-ibig ko sa bayan ng Sta. Monica at sa Diyos!”
Kung kanina ay nakikiusap siya dito upang palayain ang sambayanan ng Sta. Monica sa lahat ng kasamaang ipinapakalat ni Lucifer, ngayon ay determinado siyang hindi kailanman na magwawagi ito upang angkinin pati ang isipan niya. Nanlilisik na rin ang mga mata ni Mariana habang nananatili siya sa harapan ni Lucifer.
Kung nagagawa man nito na utusan ang kanyang katawan para mapalapit sa kanya ay sisiguraduhin niyang hinding-hindi nito mapapasok ang kalooban niya.
Naglalaban ang kanilang mga mata sa pagkakatitig sa isa’t-isa.
Pilit na binabasa ni Lucifer ang laman ng isipan ng dalagang madre subalit napakalakas nito upang mapaglabanan ang kapangyarihan niya.
Ngayon lang nangyari na may isang nilalang sa ibabaw ng lupa na kayang labanan ang pagbabasa at pagsakop niya sa isipan nito.
“Anong klaseng babae ang isang ito?”
Tanong ni Lucifer sa sarili.
May kung anong pwersa sa mga mata ni Mariana na labis ang kabang idinudulot sa kanya.
“Hindi! Hindi ito maaari! Pasasaan ba at makikita ko rin ang kahinaan niya!”
Nagsusumigaw ang kalooban ni Lucifer sa galit at pagkalito.
Kung kanina ay ginamitan niya ito ng kapangyarihan upang mapalapit sa kanya, ganon na lang ang pagtataka niya ng haplusin nito ang gilid ng mukha niya.
“Ano ang iyong ginagawa mortal? Sa palagay mo ba ay katulad ako ng kapwa mo nilalang na madadala mo sa angkin mong kagandahan?”
Ewan ba ni Mariana kung bakit tila may nag-uutos sa kanyang haplusin ang mukha ng kaharap.
Sa kabila ng kasamaang ikinalat nito sa kanilang lugar, bakit tila may kurot sa kanyang puso ng magkatitigan silang dalawa?
“Puno ng pait at galit ang mga mata mo. Ang sabi ng Diyos, higit na dapat minamahal ang mga taong nagkakasala. Ang lahat ay may itinatagong kabutihan sa ating puso. Bakit hindi mo hayaang mas pakinggang ang kabutihan sa iyong kalooban Lucifer?”
Kita ni Mariana ang pagkalito sa reaksyon ng kaharap na si Lucifer.
Nais na sana niyang lisanin ang lugar na iyon ng tanggalin ni Lucifer ang bumabalot na kapangyarihan sa kanya kanina, upang hindi makaalis sa lugar na iyon kung saan sila nagkita, subalit bakit tila kay bigat ng mg paa ni Mariana?
Papalayo na sana siya habang pinagmamasdan ni Lucifer.
Nakita siya nitong huminto.
“Mortal, kapag hindi ka lumayo ngayon at bumalik sa iyong pinanggalingan ay hindi na kita hahayaan pang makabalik.”
Narinig ni Mariana na sinabi ni Lucifer sa kanya.
Sa halip na humakbang palayo sa demonyong si Lucifer ay natagpuan niya ang sariling papalapit sa nilalang na si Lucifer.
Hindi niya mapigilan ang kirot sa kanyang puso sa nakita niyang lungkot at galit sa mga mata nito kanina.
Nais niya iyong pawiin at punan ng pagmamahal.
Laking gulat ni Lucifer ng salubungin niya si Mariana at naramdaman ang pagdampi ng mga labi nito sa kanya.
Sa unang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kasiyahan mula sa kanyang kalooban.
Tumulo ang luha nila sapagkat may kung anong pakiramdam ang sumibol sa puso ng bawat isa.
Nang magbukas si Mariana ng kanyang mga mata, bihag na siya sa mga bisig ni Lucifer.
Hindi niya maipaliwanag ang saya sa puso niya ng mga sandaling iyon bagaman alam niyang kasalanan iyon sa Diyos.
Tila naging mas malakas ang nag-uumapaw na pag-ibig sa kalooban ni Mariana kumpara sa kasamaan ng nilalang na si Lucifer ng mga oras na iyon.
Tulad ng isang ordinaryong nilalang ay tinalo sila ng pag-ibig.
“Sister? Sigurado ka na ba sa iyong desisyon?”
Tanong ni Sister Lucy. Ang nag-iisang madre na pinagsabihan niya ng buong katotohanan.
Para sa kanya ay sandali lang ang panahon na inilagi niya kasama si Lucifer sa tahanan nito, subalit nang magmulat siya ng kanyang mga mata ay halos isang taon na ang nakalipas.
“Hindi ko alam kung ano ba ang nararapat kong sabihin sa’yo Sister Mariana. Hindi kasalanan sa Diyos ang magmahal, subalit isang imortal ang iniibig mo, umiibig ka sa isang demonyo.” Kasunod ay nag sign of the cross ang madre.
“Ang lahat ay kayang baguhin ng pagmamahal sister Lucy. Ikaw na rin
ang nagsabi na mula nang ibigin ako ni Lucifer ay nabawasan na rin ang mga makasalan dito sa Sta. Monica.”
Magkahawak sila ng kamay ni Sister Lucy kasunod ay nagyakap.
Maya-maya pa ay natanaw niya ang isang pamilyar na mukha.
Isang makisig, matipuno, at may napaka tamis na ngiti na si Lucifer.
Ibang-iba na ang anyo at mga mata nito mula noong una silang nagkita.
Agad niyang tinungo ang kinaroonan nito at sinalubong ng yakap.
“Iniisip pa rin ni Sister Lucy na kinokontrol ko lamang ang lahat ng ikinikilos mo. Nababasa ko iyon sa kanyang isipan.”
Bulong naman ni Lucifer sa kanya ng magyakap silang dalawa ni Mariana.
Mariana left the convent to be with Lucifer.
Not a single day that they don’t feel so much happiness being together.
Despite of their forbidden love, they were blessed to have babies.
Mariana gave birth of triplets and named them Lucid, Lucero and Lucian.