Tulala lang ako sa kwarto habang naka upo sa kama, Kanina pa tawag nang tawag saakin si Nathan saakin ngunit Wala ako'ng balak na sagutin, Naguguluhan ako kung ipagpapatuloy ko ba o hahayaan ko na lamang si Nathan sa Asawa niya! Pero Siya narin ang nagsabi na hihiwalayan niya si Marinella after nang contract signing nang magkabilaang partido. Anim na beses nang sinusubukan ni Nathan na kausapin ako, Ngunit maging ako sa Sarili ko ay gulong gulo, Mahal ko si Nathan, At pilit rin nitong ipinag papatuloy ang relasyon namin. Agad na ako'ng tumayo at nagtungo sa mini living room ko sa kwarto at agad dinampot ang cellphone ko na naroroon sa coffee table. Tumunog nanaman ang cellphone ko at nag flash ang bagong Numero ni Nathan, Nais nitong doon kami mag usap sa hindi malalaman nang Asawa niya

