Halos malaglag ako sa sarili ko'ng kama nang tumunog nang sobrang lakas ang alarm clock ko, Pupungas pungas pa ako habang bumabangon sa higaan, May long quiz kami sa Statistics kaya kailangan ko'ng mag review, Alas kwatro palang nang madaling Araw at alas Otso pa nang Umaga ang pasok ko mamaya, Agad ako'ng nag hilamos, Nagtimpla nang kape at bumalik sa silid ko. ..
Nang mailagay ang kape sa mini table ko ay Saka ko lang naisipan buksan ang cellphone ko, Sa tuwing Gabi kasi ay nakasanayan ko na ang pag off nang cellphone sa tuwing matutulog ako,
.. . Nang buksan ko Ang phone ko ay Saka sunod sunod tumunog ang inbox ko, Nasa Kinseng mensahe din Ang na tanggap ko, kaya halos mapakunot Ang noo ko., Sino nanaman kaya ang mag memessage nang ganito ka raming mensahe?
“Talk To me please!”
“Kim Carrel right? It's me Ethan!”
“I've been waiting for your response since last week! Can we meet on Sunday?”
“Hi Kain tayo, Mahilig ka ba sa ubas? Anong bulaklak ang gusto mo?” Sunod sunod na text messages nito.. .
Ano ba ang problema nang Nathan Dorino na ito sakin? Parang Hindi naman kapani paniwala na nagustuhan niya ako? Oh may binabalak siyang masama saakin? Oh pag titripan lang niya ako?
Sobrang gulong gulo na ako,
Kaya malalim ako'ng napabuntong hininga Saka nag type sa keyboard nang cellphone ko.
“Pwed ba? Humanap ka nang taong pwede mo'ng pag tripan!” Sent.
“But I wasn't! I really want to know you more Kim! I saw you at the wedding, Kumanta ka!” Napakunot nang todo ang noo ko.. .
“What do you mean? Wedding?” Alam ko Ang tinutukoy nitong kasal pero gusto ko lang Maka siguro.
“Garden Wedding, Inimbita ako ni Rina at David! Ikaw yun Hindi ako pwedeng magkamali, Bonus for me I bumped into you at the church last Sunday!”
Napaka bilis nitong mag reply kahit pa madaling Araw!
Hindi na ako Maka apuhap nang sasabihin, Totoo nga Ang sinasabi nito , Kumanta nga ako sa kasal ni David at Rina pero noong nakaraang buwan pa yun, At Hindi ko manlang siya napansin sa nasabi'ng kasal!
“Pwede ba kitang ayain mag lunch? Or Dinner?” From Nathan. ..
Bakit ba ayaw mo akong tigilan? Imbis na mag rereview ako para sa quiz ay napapaisip tuloy ako kung bakit ginugulo mo ako nang husto! Malalim ako'ng napabuntong hininga. .
Totoo ang sinabi ni Marie napaka gwapo nga'ng talaga ni Nathan, Maputi Matangkad Matangos ang ilong na sinamahan pa nang nangungusap nitong mga mata, Pero parang Hindi kapani paniwala na out of the blue ay naging interesado ito saakin in just one snap? Is this for real?
Pinatay ko nalang Muna ang phone ko para makapag review ako nang maayos, Reklamo ko, Masyado nang inookupa nang binata ang isip ko,
mag aalas singko na nang madaling Araw nang makapag simula ako sa pag rereview.
•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Naglalakad na ako sa hall nang University na pinapasukan ko nang sa di kalayuan ay mapansin ko ang Isang lalaking Sobrang pamilyar saakin, Naka uniform ito nang kagaya sa uniform ko pero sa pang lalaking uniform..
Nag derederetso ako sa paglalakad at Hindi ko ito pinansin, Pero bigla nalang ako nitong hinila sa braso kaya agad ako'ng napa tingin sa binata.
“Hey! Kim?” Bungad nang binata sa usapan.
“Ano ba ang problema mo?” Naiirita ko'ng turan.
Pero hindi manlang natinag ang binata sa pag tataray ko, Naka hawak parin ito sa braso ko, Ang mga papasok na mga Estudyante ay halos maagaw na namin ang atensyon.
“Pwede ba bitawan mo ako!” Asik ko dito. “Sisigaw ako kapag Hindi mo pa ako binitawan siraulo ka!” Na otoridad na bulong ko sa binata.
Agad nga ako nitong binitawan Saka nag taas pa ito nang dalawang kamay.
“Hindi mo ba ako natatandaan? Before the church incident nagkita na tayo sa kasal ni David, You're wearing a nice silk dress without your glasses on!” Napahawak ako bigla sa salamin ko'ng suot.
“May problema ka ba sa salamin ko?” Gigil ko'ng turan.
“No, No! I find it cute, Please chill. I just wanted us to be friends!” Ngumiti ang binata kaya halos mawala ako sa katinuan, Napaka Ganda nang mga ngipin nito.
Napanganga ako bigla, Kaya Hindi ko namamalayan na Nakalapit na pala saakin si Marie.
“Oh Hi Mr. Dorino!” Malanding turan ni Marie, Ito Ang nag pa balik saakin sa katinuan.. Inilahad pa ni Marie Ang palad Kay Nathan, Kaya mabilis ako'ng kumilos, hinila ko na ito papalayo without saying goodbye sa lalaki.
Habang nag lalakad kami papasok sa Room ay Hindi ko maiwasang kurutin Ang tagiliran nito
“Napaka landi mo Bwiset ka" Reklamo ko.
Naka pasok na kami sa room at nakaupo na kami sa likuran kung saan kami palaging naka upo.
“Ayaw ka talagang tigilan nang gwapo na yun ah! Sayang kung Ako lang sana Ang una niyang naka bangga edi sana saakin siya na fall!” Tili ni Marie.
“You don't get it Marie, Hindi yun ang unang pagkikita namin, Pero Hindi ko siya matandaan sa kasal ni David at Rina! Sabi niya Nakita daw niya ako sa kasal, Diba Kumanta ako sa kasal nila David!” Pilit ko'ng inaalala ang mga nakasalubong ko'ng bisita noong nagdaang Isang buwan sa kasal.
“Oh My Gosh! Classmate natin siya?” Tili ni Marie kaya napa lingon agad ako sa tinitingnan nito...
Derederetso nga'ng naglalakad si Nathan Dorino papalapit sa kinaroroonan ko, Umupo ito sa silyang bakante Saka bumaling nanaman saakin.
“Bakit ba Ang ilap mo sa mga gwapo'ng katulad ko?” Bigla ay baling nito saakin.
“Gwapo? Saan Banda?” Pang aasar ko,, Sa totoo lang, I find him attractive but pilit ko lang tinatago ang totoo ko'ng nararamdaman, Ayaw ko'ng isipin nito na easy to get ako.
“Marie? Ganito ba talaga si Kim? Masyadong mailap sa mga lalaki? Or saakin lang?” Tanong nito Kay Marie pero saakin siya Nakatingin. ..
“Pwede ba, Masyado ako'ng abalang tao kaya huwag mo na ako'ng guluhin pa!” Reklamo ko.
“Oo nga pala Nathan, Kakanta kasi siya sa Debut next week sa BGC sama ka?” halos mapanganga ako sa sinabi ni Marie.
Bumaling ako dito at Galit siyang tinitigan.
“Call! My treat, Susunduin ko kayo! I txt mo ako Marie ah!”sabi ni Nathan. . Agad itong nag sulat Sa papel at agad na inabot Kay Marie.. “Please don't forget to call me everytime you need something!” Para ito'ng tanga na salita nang salita kahit Hindi ko ito pinapansin..
Iimik pa sana si Marie nang dumating ang Professor namin sa Stat kaya halos mag si balikan na sa sariling upuan Ang mga classmates namin...
And as for Nathan, Titig na titig ito saakin na parang baliw habang nag di discuss si Sir sa harapan...
Tssshhh
I sighed
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••