Unang Gabi ako'ng matutulog nang katabi ko si Nathan sa kama, Napaka higpit nang yakap nito saakin at amoy na amoy ko ang panlalaking pabango nito, Unti unti na ako'ng pumipikit dahil sa antok Hanggang sa tuluyan nga ako'ng nakatulog. ••••••• Halos Hindi pa manlang ata Ako nakakatulog nang Isang Oras ay nagmamadali na SI Nathan sa pag bangon, Napamulat Ako nang mata at naagaw nang atensyon ko Ang nag mamadaling SI Nathan. Nakasuot na ito nang pantalon at halos Hindi mag Kanda ugaga sa pag sisintas nang kaniyang sapatos, Wala ako'ng magawa kung Hindi ang humabol na lamang nang tingin sa pag paparoot parito nito sa kwarto namin. “Nathan? M-May problema ba?” Takang Tanong ko. Tuluyan nang naisuot ni Nathan ang sapatos niya, Kasunod ang Burberry nitong Jacket. “Nathan?” Pag tawag ko dit

