(Jason’s POV) Nakauwi na sila sa bahay ni Lola Milagros at natutulog na ang mag-ina niya ngunit distracted pa rin siya tungkol sa lalaking lumapit kay Anna Liza kanina sa mall. He feels suspicious about the man because he saw that man stood so close in front of her. Naniniwala naman siya kay Anna Liza na hindi nito kilala ang lalaking iyon but he couldn’t stop thinking about it. Biglang tumunog ang alert tone ng phone niya at nagtaka pa siya kung sino ang nagsend ng text sa kanya. Napipilitang tiningnan niya ang phone niya ngunit bago pa man niya mabuksan ang message sa kanya ay tumunog na ulit ang phone niya pero hindi na iyon dahil sa isang text kundi tawag na mula kay Sandra. Napamura pa siya ng mahina bago siya bumangon sa kama at lumabas sa kwarto para hindi magising ang mag-ina ni

