Allen’s 3rd birthday is coming up. Kaya hayon at gumagala silang tatlo dahil nagcacanvass na rin sila para sa mga kakailanganin sa birthday ni Allen. First time kasing magbibirthday ni Allen na kasama si Jason kaya hindi pumayag si Jason na magiging simple lang ang birthday ng anak nila. Anito ay pambawi nito iyon sa dalawang birthday ni Allen na nakalipas na wala ito sa tabi ng anak nila at hindi nito naibigay ang masaganang birthday na sigurado namang ikatutuwa ng anak nila. Pumunta sila sa mga cake house dahil gusto ni Jason na makita mismo ang designs ng cake na magugustuhan ni Allen. Iba raw kasi minsan sa online at mas maganda kung makikita nila mismo ang cake at designs sa personal. Pinasukatan na rin nila ng susuoting costume si Allen para sa birthday nito dahil almost 1 month n

