Chapter 10
"Myreen?" katok ni Kuya sa pinto.
I'm feeling better now. Kahit ayaw kong aminin sa sarili ko ay magaling talagang mag-alaga si Blant. Kahit inaasar niya ako ay mabilis akong gumaling dahil sa pag-aalaga niya.
"Bukas 'yan!" I shouted and rolled on my comforter.
Mukha na akong turon dahil sa ginawa ko. Nakabihis na si Kuya Kane samantalang tinatamad pa akong bumangon. I don't like to go outside this unit. Pakiramdam ko ay nandiyan lang siya sa paligid.
"Hindi ka papasok?" nagtatakang tanong niya.
"Tinatamad pa ko." nakasimangot kong sabi.
Lumapit siya sa akin at idinampi ang palad sa noo ko.
"You're healed. May problema ba?" Kuya Kane asked.
Umiling lang ako at sumimangot. Pilit kong tinatago ang takot ko. Ayaw kong sabihin sa kanya ang problema ko. Hindi ko kayang mapahamak sila ng dahil sa akin.
I'll do anything to protect them. I love my Kuya at hindi ko kayang makitang mayroong mangyari sa kanyang masama. Gagawin ko ang makakaya ko para maprotektahan sila kagaya ng ginawa ko noon. If I would sacrifice myself again for their sake, probably I would never get tired of doing it.
"Umalis ka na. Baka ma-late ka pa." I said.
Tiningnan naman ni Kuya Kane ang pambisig sa relo niya. Lumapit siya sa akin at idinampi ang kamay sa noo ko.
"Wala ka na naman sakit. You're being lazy again but I would let it pass dahil kagagaling mo palang." he said and gave me a peck on the cheeks.
"Bye, Kuya." nakangisi kong sabi dahil nakalusot ako ngayong araw sa hindi ko pagpasok.
I missed midterms and I'm not sure kung makakakuha ako ng special exams. Hindi ko na lang muna 'yon iisipin.
"I'll fetch you here later after for our monthly check up." ani Kuya Kane bago tuluyang lumabas.
I nodded my head kahit hindi nakikita.
Well, our monthly check up is to get checked since we are sexually active. Mabuti ang nag-iingat at alam mong malinis ka. I will have my contraceptive injection.
Every three months, I'm having my birth control shot. It's really a must specially that some guys out are slave of their libidos. Kung hindi nila kayang mag-ingat dapat mag-ingat na rin ang babae. It's our body the we should protect.
Kaya maraming nagiging batang ina sa Pilipinas dahil kulang sa kaalam tungkol sa s*x education. They only think of pleasure brought by s*x but they didn't think the consequnces of their action. Hindi naman puwedeng hindi sinasadya na mabuntis. Having s*x is both consensual. Dapat alam ng lalaki at babae ang gagawin nila ang bagay na 'yon. Kung mayroon silang sapat na kaalam ay hindi sila mabubuntis ng maaga. I heard that health centers give free contraceptive pills. Hindi naman nakakahiya na manghingi noon. Ang mas nakakahiya naman siguro ay dala mong problema sa magulang mo kung mabubuntis ka ng maaga. Kung ang lalaki ay hindi nag-iingat, tayong mga babae na dapat ang mag-adjust para sa kanila or each side should compromise. I'm really thankful that my brother really cares for me.
He's the one who suggested to visit a doctor regularly. Tamad rin akong uminom ng pills kaya naman injection ang napili ko.
I'm thinking too deep. Napanguso nalang ako. Kahit tamad akong bumangon ay tumayo na ako. Dumiretso ako sa banyo para maligo.
I make it quick as I can. Nakatuwalya lang ako ng lumabas. Nagbibihis ako ng mayroong nagdodoorbell.
My heart beat loudly.
Hindi naman siguro siya 'yon?
Kahit kinakabahan ay pumili ako ng damit na hindi revealing. Nagsuot rin ako ng pajama at kahit hindi pa nagsusuklay at dumiretso na ako sa pinto para tingnan kung sino.
Sumilip muna ako sa peephole. Nakahinga naman ako ng maluwag ng makita kung sino ang nasa labas.
I open the door and gave him a small smile.
"Hash." kunwaring nabigla ko pang sabi.
Nagkamot siya ng batok. May suot pa siyang uniform. Mukhang hindi siya pumasok sa klase at dito talaga dumiretso.
Dumapo ang tingin ko sa dala niyang basket ng prutas.
"You look fine now. I heard nagkasakit ka daw kaya dinalhan kitang prutas." he said shyly.
Napangiti naman ako. Wala na talaga ang masungit na nerd na nakilala ko. Napalambot ko na siya kaya wala na 'yung challenge but somehow I miss his presence.
"Pasok ka." alok ko sa kanya at nilakihan ang bukas ng pinto.
"I c-can?" gulat niya pang tanong.
"Oo naman. Bakit hindi?" tanong ko.
He smiled awkwardly. Nagkamot pa siya sa batok.
"About the last time we talked..." umpisa niya.
Nagkibit-balikat ako at tinaasan siya ng kilay.
"I don't like possessive guys. Don't do it again and we can get along well." sabi ko at nauna ng maglakad sa kanya papasok.
Totoo naman iyon. I can give him s*x and friendship but I can't go beyond that. Hindi ako paasa na tao. I like someone else and I don't want anyone to be a rebound. I'm making my intentions clear from the very beginning. Hindi ako nagbibigay ng mixed signals dahil talagang nakakalito 'yon. You will just hurt a person and they don't deserve to be hurt by anyone else.
"I'm sorry." umpisa ni Hash ng umupo ako sa katapat ng inuupuan niyang couch.
"Who am I to decline your apology? You're forgiven, Hash." I said and gave him a warm smile.
Ngumiti rin naman siya pabalik. I offered him snacks and we talked a lot while eating. Hindi kami nakapag-usap ng ganito noon. Palaging intimate contact lang ang nangyayari at mababaw lang ang pinag-uusapan.
Marami pa kaming napagkuwentuhan. Hash is fun to talk with. Pakiramdam ko tuloy ang bobo habang kausap ko siya. He's really excelling in academics samantalang ako ay pagpasok lang sa University ang ambag sa lipunan.
I'm not thinking what might happen next. I'll just go with the flow instead.
"Actually, I brought you some reviewers." ani Hash ng matahimik kami.
Gulat naman akong napatingin sa kanya.
"Really?" I asked, still shocked.
"Oo. I talked to the Professors already. Pumayag naman silang bigyan ng exam. I'm willing help you review." he said.
Napanguso naman ako sa sinabi niya. I'm not really fond of reviewing before exam. Naniniwala ako sa stock knowledge ko. Never pa naman akong bumagsak pero iba na sa college. I almost got a tres last sem on one of my major subjects.
"Okay. Let's review, then." sagot ko na lang.
Malaki naman ang ngiting iginawad ni Hash sa akin. Kahit tamad ako ay sinipag akong mag-review dahil sa kanya.
Hindi ko namalayan na napapangiti na ako habang nakatingin sa kanya. Pinapakiramdaman ko ang sarili ko. My heartbeat is normal. Wala siyang kakaibang epekto sa akin. It's just admiraton and nothing else.
"Bakit nakangiti kang mag-isa? Crush mo na ko?" he joked.
Ang malaki kong ngiti ay agad napalitan ng ngisi. Umarte rin akong kunwaring nagulat dahil sa ginawa niyang pagbibiro. This is the new version of Hash for me.
Hash is like Blant, just the studuous type. Ang gagong si Blant naman kasi ay hindi pala-aral Pareho lang kami kaya naman talagang nag-click ang pagkakaibigan naman. Itong si Hash pala ay may tinatago din na sense of humor.
I think magiging dalawa na ang kaibigan kong lalaki. I hope Blant and Hash will get along.
"Marunong ka ng magbiro?" nakangisi kong sabi.
He chuckled and scratch his nape. Para pa siyang nahihiya.
"C'mon. Just be yourself, Hash. Mas gusto ko ang totoo kaysa nagpapanggap." I said.
Tumango naman siya. We continue to review until its lunch time. Nagpaalam na si Hash dahil papasok daw siya sa panghapon na klase.
Inalok ko siya ng lunch pero tumanggi na siya. Binasa ko na lang ulit ang mga iniwan na reviewer ni Hash habang hinihintay na sunduin ako ni Kuya.
After a few minutes, the door opened. Bumungad sa akin si Kuya Kane na may paper bag na siguradong lunch namin ang laman.
"Let's eat first. Tama nga ang hinala kong hindi ka nagluto." ani Kuya habang inilalapag ang paper bag sa dining table namin.
Nakasunod ako sa kanya dahil kumalam na din ang sikmura ko. Masiyado akong nagutom mag-aral. Ganito pala ang feeling na masipag na estudyante. Nakakagutom at nakakaubos din ng braincells.
"Nag-aral ka?" Kuya Kane asked while opening the food containers.
"Yes." proud ko pang sagot habang malaki ang ngiti.
Napangiti naman si Kuya sa sagot ko. Mayroon kasing isang taong naging dahilan kung bakit ako nagsipag noon sa pag-aaral.
Jandrex Alcantara is in the first section while I am on the third one. He was my crush way back on Junior High School. Hindi ko lang siguro maamin sa sarili ko dahil masiyado akong focused kay Kuya noon pero habang tumatagal, napagtanto ko na nagugustuhan ko na talaga siya. I did my best to be in his section. I became studious para mapalapit sa kanya hanggang sa tuluyan na niya akong mapansin.
"Nakamove on ka na?" tanong ni Kuya.
My proud and wide smile instantly vanished. Ngayon na lang ulit niya ako tinanong sa bagay na ito. He's not a nosy type of brother. Wala kaming pakialamanan sa lovelife ng isa't isa.
"Don't answer my question. Your face says it all." he said. "But Ramos is a nice catch. Mukhang maibabalik niya ang kasipagan mo sa pag-aaral." pag-iiba ni Kuya ng usapan.
Ngumiti na lang ako. Yeah, he's definitely right. Hash is a nice catch but my heart won't beat for anyone else unless it's Jandrex.
Pagkatapos namin maglunch ay nagbihis ako ng simpleng jeans at tshirt na kulay abo. Flats lang din ang suot ko para kumportable. Wala akong nilagay na kolorete sa mukha bukod sa liptint.
Lumabas na ako ng kuwarto at tumayo na si Kuya Kane na nag-iintay sa sala. Mukhang wala na siyang pasok dahil naka-ripped jeans lang siya at simpleng shirt.
Pinaglalaruan niya ang susi ng kotse sa kamay niya habang mas nauunang maglakad sa akin. Nasa may bandang likuran niya lang ako nakasunod. Hindi naman malayo ang ospital na pupuntahan namin kaya ilang minutong biyahe lang. Nakakatamad lang talagang maglakad dahil mainit ang panahon.
"You go first." ani Kuya.
Nasa labas na kami ng opisina ng doctor. Sinunod ko naman ang sinabi niya sa akin. Doctora Fontanilla smiled at me.
She's Blant's auntie. Mabait naman siya at hindi mukhang judgemental. I was her patient since I was sixteen. Hindi ko makakalimutan ang itsura niya ng sabihin ko sa kanyang sexually active ako at ayaw kong mabuntis kaya gusto kong magpabirth control shot.
"Goodafternoon, Doc." pormal na pagbati ko sa kanya.
Magiliw naman siyang ngumiti sa akin at binati ako pabalik.
She asked some questions, gave me a birth control shot and do some test. Katulad ng ginagawa niya monthly. Nang matapos ay nagpasalamat na ako. I called my brother outside because he's the next.
"Mauuna na ako, Kuya." paalam ko sa kanya.
Kumunot ang noo niya at biglang napalingon sa akin.
"Are you sure?" he asked.
"Oo naman. Matagal ka pa, e. Maiinip lang ako." katwiran ko.
Parang nakumbinsi ko naman siya kaya tuluyan na siyang pumasok sa pinto. Kanina ko pa nararamdaman na parang may nakasunod na naman sa akin.
I roamed my eyes around pero wala naman akong nakita. Nagkibit balikat na lang ako at naglakad na palabas ng ospital. Dadaan muna ako sa malapit na milk tea shop. Parang bigla akong nag-crave, e.
Hindi naman ganoon kalayo ang lalakarin ko. Naging makulimlim na rin ang panahon at hindi na masiyadong tirik ang araw.
Pinakikiramdaman ko ang paligid. Wala naman na sigurong nakasunod sa akin. Masiyado lang siguro akong napaparanoid dahil nakita ko si Simon.
Pilit kong inalis sa isip ang pangalan ng lalaking 'yon. I already forget it! Pero bakit bumabalik kung kailan nakalimutan na?
Pumasok na lang ako sa milktea shop para mag-order. I should not think of Simon. I overcome my fear already! Dapat magtuloy-tuloy na.
"Here's your order, Ma'am." napatid ang malalim kong pag-iisip at kinuha na ang order ko.
Lumabas na rin ako ng Milk Tea Shop. Natatanaw ko na mula dito ang condo building.
Nagsimula na ulit akong maglakad. Kakaunti ang kasabayan kong maglakad kaya naman ganoon na lang ang gulat ko ng mayroong magtakip sa bibig ko at hilahin ako sa maliit na eskinita.
Kahit anong pagpupumiglas ko ay hindi ako makawala. His scent is very familiar kaya lalo akong nagpupumiglas.
Nabitawan ko na rin ang milktea na kabibili ko lang para lang makawala sa kanya pero kagaya ng dati ay mahina pa rin ako.
Kusa na niya akong pinakawalan at hinarap ko siya. Katulad ni Simon ay sumalubong sa akin ang malademonyo niyang ngisi.
"Long time no see, Myreen." ani Viel at hinala kinabig ang batok ko para bigyan ako ng halik.
Matagal na nakadampi ang labi niya pero hindi ko binubuka ang mga labi niya. Tila yakap niya ako kahit ang totoo ay mahigpit na nakapalibot ang braso niya sa baywang ko kaya hindi ako makapiglas.
He bit my lowerlip. Tila magdudugo 'yon sa pagkakakagat niya kaya napasinghap talaga ako dahilan para maipasok niya ang dila niya.
I didn't respond once again. Nandidiri ako sa mga halik niya. Kahit kailan ay hinding-hindi ko magugustuhan.
Nang magsawa siya ay itinigil na niya ang paghalik.
"Your lips are still sweet." he said while smirking.
Bumaling naman siya sa kanang parte ng eskinita.
Nakatayo si Jandrex na madilim ang mukha. Wala akong mabasang kahit anong emosyon doon.
"Am I right ex-bestfriend?" he shouted at Jandrex with a teasing tone.
Jandrex turned his back and walked away. He didn't say anything but I know what's running in his mind. He'll think so low of me again.
I look back at Viel with a triumphant grin.
Bakit pa bumabalik ang mga tao sa nakaraan ko na matagal ko ng ibinaon sa limot?
---
11:24 PM, OCTOBER 3, 2021