Alam niyo ba yong feeling na wala kang choice? Tatawa ba ako o iiyak ko na lang. Ang mahirap sa kalagayan ko nalagay ako sa lugar kung saan wala akong pweding pag-pilian kahit na hindi naman ako ang panganay pero sa akin napunta ang obligasyon ng isang panganay. Wala naman kasing problem yon kasi choice ko naman ang tumulong kaya lang sa tinagal-tagal ng panahon yong dapat na tulong lang ang gagawin ko naging obligasyon ko na.
********
14 YEARS AGO (HIGH-SCHOOL LIFE)
CZARINA DIANE SUMANE POV
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako, naiinis at my konting galit ang nararamdaman ko ngayon. Araw kasi ng klase pero ang gamit na dapat gagamitin ko sa skwelahan ay tanging 3 notebook, 10 pirasong intermedite pad isang ballpen at ang malala pa nito ay pinaglumaan ang bag uniform at sapatos na gagamitin ko. Masaya naman ako kasi kahit papanu ehh makakapag-aral na rin ako pagkatapos ang isang taon na tumigil ako dahil kailangan kong alagaan ang bunso naming kapatid. Ang ikinasasama ng loob ko ay yong uniform na gagamitin ko. Tatlong taong ginamit ng ate ko yon at halos mapuno na ng tahi ang bandang pwetan nun dahil sa tagal na ring gamit. Hindi ko alam pero iniisip ko na lamang na at least makakapag-aral na rin ako. Hahaha masaya pa ako nito dahil 20 pesos ang perang baon na pinadala sa akin ng nanay ko. Bilangin natin limang piso pamasahe limang piso para sa ulam limang piso para sa recess at limang piso ulit para pamasahe pauwi masaya naku, limang piso ba naman ang baon ko di'ba.
*****
UNANG ARAW NG KLASE
Masaya ako. Sa bayan na kasi ako mag-aaral ang layo pa ng bayan sa amin nun at ang exciting nito yong sasakay ako ng jeep araw-araw plus my bunos pang lakwatsa yon habang my one hour time for lunch. Lahat ng excite na nararamdaman ko nawala agad yon ng pag pasok ko ng classroom. Yong tipong pag pasok mo ehh sa'yo na naka tingin lahat ng mga estudyante na nasa loob ng classroom. Hindi ko alam pero bigla akong nanlamig or yong totoo ehh mahiyain lang talaga ako lumalakas lang ang loob ko kapag mga kakilala ko talaga mga kasama ko. Ang akala ko kasi marami akong magiging classmate na taga roon sa amin dahil sa dami na nag-aaral sa Public school. My naging kaklase nga ako yong isang pinsan ko buti na lang na mayroon isa kahit papanu hindi ako ma-eetsapwera dito. Yong excitement na mayroon ako pagkatapos mawala mas lalo pang nadagdagan ang kaba ko ng sabihin ng teacher na "Introduce yourself" yong naka-alphabetical yong order at dahil halos nasa dulo na ang surname ko natuwa naman ako noong una hanggang sa dumating na nga sa akin.
"Ms,. Sumane stand up please."
Lumunok muna ako bago tumayo. Hindi rin naman ako agad nagsalita. Ohh nakalimutan ko nga pala hindi ganun kataas ang confidence ko sa aking sarili. Kahit ako mismo inaamin kung hindi ako kagandahan maitim pa ako at my peklat sa noo na halos kasing haba ng isang karayom nakakadagadag pa yon sa pag baba ng confidence ko. Hindi pa man ako nagsasalita ay nagtatawanan na ang mga kaklase ko. Kinalabit ako ng pinsan ko na siyang katabi ko sa aking upuan.
"Sige na, insan."
Tumango lang ako.
"Czarina po, ma'am." Yon lang at umupo na ako ayokong pahabain at ayoko silang naka-tingin sa akin. Hindi ko alam kung paano ako naka-survive sa isang araw na gustong-gusto ko ng umuwi dahil unang araw pa lamang ehh my nambubully na sa akin.
Yong inis na ako dahil doon tapos napansin pa nila na puro tahi yong palda ko mas lalaong nadagdagan ang pait sa aking puso.
Normal ba na my ganitong tao talaga na hindi makukumpleto ang araw nila kapag hindi sila nanlalait ng kapwa. O talagang hindi sila nabubuhay kung hindi sila makakapang-lait. Yong pauwi ka na lang at ang hirap pa pala ng pagsakay pauwi. At dahil uwian na ang daming estudyante na ka sabay kaya agawan talaga sa pagsakay. Na siyang hindi ko alam at dahil doon sa taas na lamang ng jeep ako naka-upo.
"Pambira naman."
******
Naka-simangot akong dumating sa bahay. Yong akala ko kukumustahin ako pero hindi pala. Dumeretso lang ako sa loob ng bahay at nagbihis at deretso na rin akong gumawa ng notes. Isipin niyo hah my notes agad kahit na first day pa laman ng school. Nitong una gusto Kong sabihin na kulang ang notebook ko kailangan daw kasi ng 12 notebook tapos yong sa akin ehh 4 lang paano ko naman hahatiin yon di'ba? Wala akong choice alam ko rin naman na kulang sa pera ang aking mga magulang. Kasalukuyan akong gumagawa ng homework ng tawagin ako ni, Nanay.
"Utang ka muna ng bigas kila, Kuya Hildo mo." utos ng nanay ko habang nagwawalis ito ng bakuran.
Tumango lang ako at nagtungo ng tindahan. Ang layo pala ng tindahan sa amin ahh, nasa baryo na kasi yong mga my tindahan sa amin kung baga ang layo namin sa sebelesasyon. Yong talagang baryong-baryo kami. Madalang din ang jeep na dumadaan doon talagang my oras lang ang daan ng mga ito kaya nga tuwing alaskwatro ng umaga ang gising ko dahil tuwing als sing ko naman ng umaga ang daan ng jeep na tanging nagpapasakay sa mga estudyante. Yon nga balik tayo sa pag-utang ng bigas nakarating ako sa tindahan pero ganun din naman hindi rin kami naka-utang dahil mahaba na daw yong listahan ng Utang namin sa kanila.
Pagkatapos ay umuwi din ako agad dahil padilim na rin noon at sinabi ko na rin kay nanay na hindi nga nagpautang. 13 years old ako noon at akala ko noon ay mararanasan ko na ang hindi kumain pero buti na lang at my dala ng kamote si tatay Galing bukid. Masaya na kami nun tapos pinagkuluan talbos ng camote laman ang ulam namin pero masaya na kami nun.
*******
Lumang-luma ang bahay namin gawa lamang iyon sa dahon ng niyog na siyang sailing gawa ng tatay at nanay ko. Tabi-tabi pa kaming matulog at dahil nauso naman na wala kaming kanya-kanyang kwarto. Ang mas nakakktuwa pa nito yong nag-aagawan pa kami kung kanino kami tatabi. At sempre dahil, tatay's girl ako lagi akong naka-dikit sa tatay ko. Elementary pa lang kasi ako mas nasanay akong kay tatay ako lagi. Tuwing mG sakit ako si tatay ko ang nag-alalaga sa kin. Basta lahat si tatay ko ang aking tinatawag.
Nakasanayan rin namin ang mag-rosary tuwing alas sais ng hapon. Ginagawa na namin yon simula pa noong nasa elementarya pa lang kami kaya naman hanggang ngayon na nasa high school na kami ng ate at kuya ko at patuloy pa rin naming ginagawa yon na araw-araw ding ipinaaalala ng aiming mga magulang. Wag na wag daw naming kakalimutan ang magdasal lagi araw-araw daw dapat naming gawin yon kahit isang oras lang para kahit anu pa ang gawin namin ehh my isang oras kami na kausapin siya lagi niyang bilin sa amin yan. Nakasanayan na rin namin kaya pinatuloy namin yon hanggang ngayon. Pero alam niyo ba yong feeling na nagdadasal ka na lang dahil sa utos at hindi dahil sa bukal ang loob mo na magdasal. Kasi ako Oo yon ang nararamdaman ko ng mga oras na yon Nawala na sa amin yong magdadasal ka dahil gusto naming kausapin ang diyos. Nagdadasal na lang kami nun dahil utos ng tatay namin. Hindi ko alam kung bakit pero naging ganun ang punto noon sa akin noon. Alam kung Mali pero yon na yong nararamdaman ko. Alam kung Mali pero yon pa rin ang ginagawa ko.
TO BE CONTINUED....