KABANATA 20 Umiiyak kong sinapo ang ulo ko nang makaramdaman ako ng bahagyang pagkahilo. Para akong mabubuwal mula sa kinauupuan ko dahil sa hilo na nararamdaman ko kung kaya't napakapit ako sa gilid ng mesa upang mapigilan ang pagkatumba ko. Ipinikit ko ang mga mata ko sabay asa na sana'y mawala sa utak ko ang hilo na nararamdaman ko. And luckily gumana naman ito dahil ng muli kong iminulat ang mga mata ko'y naging normal na uli ang paningin ko—tumigil na ang pag-ikot nito. Nang medyo umayos na ang pakiramdam ko'y napagpasyahan kong tumayo at saka umuwi na sa kumbento para magpahinga, magpahinga ng sa gayon ay mabawi ko ang lakas ko na naiwala ko dahil sa labis na pag-iyak. Napag-isip isip ko kasi na bukas ay maghahanap ako ng bagong trabaho nang sa gayon ay hindi ko na kakailangin p

