KABANATA 17 "GOOD morning, Ma'am Elis." The receptionist greeted Ma'am Elis ng marating na namin ang unang palapag nitong kompanya. Sa palapag daw kasi na ito kami unang magsisimula. Isang pagtango lamang ang isinagot ni Ma'am Elis sa pagbati ng mga ito. Ni hindi nga ito nag-abala pang lingunin ang gawi ng mga taga receptionist e. Taas noo lamang nitong ipinagpatuloy ang ginagawa nitong paglalakad. Like she is a queen, who doesn't even give a damn to her people. "As you can see this floor is for the reception area, stock room and janitor's area," aniya ng matapos na naming malibot ang buong unang palapag ng building. Napatango naman ako dahil sa sinabi niya. So ang unang palapag na ito ay para lamang sa tatlong gamit na iyon? Pero bakit? Bakit ang laki naman ata ng floor na ito para ro

