KABANATA 13 "JEANSHE, doon ka na titira sa apartment ni Spencer." Muntik na 'kung masamid ng dahil sa mga katagang narinig ko na iyon. Maghahanap na sana ako ng tubig ngunit hindi ko na ito naipagpatuloy pa ng may sabay na naglapag ng baso sa harap ko. Baso na may lamang tubig. Isang naglilitong tingin ang ipinukol ko sa dalawang baso. Hindi ko alam kung alin sa dalawang iyon ang iinumin ko. 'Yong bigay ba ni Spencer o 'yong bigay ni Eman. Nalilito man ay mas pinili ko pa rin kunin ang basong may lamang tubig na bigay ni Eman. Inisang lago ko ito bago ko rin kinuha ang baso ma may lamang tubig na bigay ni Spencer. Napagpasyahan ko kasing inumin nalang ang dalawa. Baka kasi magkagulo e, lalo na't sa pagkakataon na ito'y ramdam na ramdam ko na ang tensiyon na namumuo sa gitna nilang dala

