Chapter 14

2179 Words
Celine's POV _ _ _ _ _ NASA pinapagawa kong café restaurant ako kasama si Felicity. Dumaan lang ako doon upang silipin ang progress niyon, after ko dito ay may appointment ako sa OB nilihim ko lang iyon dahil gusto kong supresa ang result noon at kung sakaling wala naman ay atleast ako lang din ang nakakaalam. "So tinanggap mo lahat ng sinabi ng asawa mo ng ganoon lang?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Felicity kiniwento ko kasi dito ang nangyari kahapon. "Ginawa ko lang ang alam kong tama beshy. At iyon ang paniwalaan si Sean at huwag pagdudahan." matapat kong sagot dito. "You love her so much Celine!" sabi nito. Ngumiti ako dito at tumango. "I do. Mas lalo ko siyang minahal." sagot ko dito. Niyakap naman ako nito. "I wish you all the best Celine. Alam kong darating ang panahon na maririnig mo din iyan kay Sean. Na mahal ka rin niya." napangiti ako, alam ko at naniniwala ako na maririnig ko din iyon kay Sean at ako na ang pinakamasayang babae noon. _ _ _ _ _ _ KAGAGALING ko lamang sa OB after kong bumisita sa pinatatayo namin na café ay nagtungo agad ako sa isang private hospital sa Quezon City rin at tama nga ang hinala ko. I am 7 weeks pregnant. Masaya ako dahil magkakaanak na kame ni Sean. Napapangiti pa ako sa ultrasound result ng anak namin ni Sean. Binalik ko sa sobre ito at inilagay na sa bag ko mamaya pag-uwi na lamang ni Sean ko ibabalita iyon. Gusto ko din siyang isurprise. Pagbaba ko ng kotse ay nagtaka pa ako na may ibang kotseng nakaparada sa labas ng bahay namin. Pagpasok ko sa loob ay bumungad sakin ang tila inip na inip na mukha ni Maggie na prenteng nakaupo sa sofa. "What brought you here?" wala sa mood na tanong ko. Inangatan lang ako nito ng kilay. May inilabas itong sobre at ipinatong sa ibabaw ng center table. Kunot noo ko siyang tiningnan. "What's that?" may bahid na inis na tanong ko. Ayokong mainis dito dahil ayokong maging kamukha ito ng anak ko. Ngumisi ito ng nakakaloka. "See for youself!" maarteng sagot nito. Dinampot ko ang sobre at binuksan. Ultrasound report nito iyon, nakalagay din dito na 13 weeks na ang dinadala nito. "Anong pakulo to?" tinatamad na tanong ko dito. Tumawa ito na ikinainis ko. "I am pregnant with your husband." ngiting ngiting sabi nito. I froze I look at her in disbelief. 3 buwan mahigit na ang tyan nito at mahigit 2 months palang kame na mag-asawa ni Sean. "I was even with Sean ng magpaultrasound ako." pagmamalaki pa nito, sa sinabi nito ay parang punyal iyon na tumusok sa dibdib ko. Sean knows that Maggie is pregnant, sinamahan nito at hindi man lang nagawang ipaalam saakin? "I don't believe you!" sabi ko kahit halos manginig na ako. "Matalino ka Celine, see the date of the ultrasound. I was with him kasi sobrang excited niya na magkakababy kame." pagmamalaki pa nito. "Akala mo ba mahal ka ni Sean? Pinakasalan ka nga lang niya to save his friendship with your brother kasi nalagay siya sa alanganin sitwasyon kaya kinailangan niya akong iwan." patuloy nito. Kinagat ko ang dila ko para hindi umiyak. Hinding hindi ako iiyak sa harap ng babaeng ito. I won't give her happiness sa pag-iyak ko. "May relasyon kame ni Sean bago kanya pakasalan, he promised me na babalikan ako once ikaw mismo makipaghiwalay sakanya kasi hindi kanya pwedeng hiwalayan dahil sa kuya mo." nakangising patuloy pa rin nito sa pagsasalita. Nanginginig ako, gusto ko siyang sampalin ng paulit ulit. Gusto ko siyang kaladkarin palabas ng pamamahay ko. "That's not true!" malakas na sigaw ko. Humalakhak ito. "Poor Celine...inilihim nga sayo ni Sean na magkasama kame palagi. Oh ako rin nga pala ang reason kung bakit madalas siyang gabihin dahil inaalagaan niya kame ng magiging anak namin." Sinampal ko ito sa sinabi nito. Nanginginig ako sa galit. "How dare you!" galit na sabi nito at akmang ako naman ang sasampalin mabilis ko na sinalag ang kamay nito. "Get out!" sigaw ko. "Sean never loves you, he will never love you, dahil ako ang mahal niya Celine! Tandaan mo yan! Pinangako saakin ni Sean na makikipaghiwalay siya sayo ng maayos. Pero naiinip na ako sa kakahintay! Kaya pasalamat ka sinabi ko pa!" sinampal ko siya muli this time mas malakas. Ibinuhos ko ang lahat ng galit ko dito at kay Sean. I don't care kahit buntis pa ito. I don't f*****g care at all! Nanginginig ako sa galit! Dumugo ang labi nito pero wala akong pakialam. Nanlilisik ang mga mata nitong tiningnan ako. "Hayop ka!" akmang susugurin ako nito. Mabilis na hinablot ko ang braso na ito at halos durugin ko na sa pagkakahawak. "Get out kung ayaw mong ako ang kumaladkad sayo kahit buntis ka pa!" nang gigigil na sabi ko. Dumaing ito pero wala akong pakialam kahit umiyak pa ito dahil sa sakit ng pagkakahawak ko. "Idedemanda kita!" banta pa nito. "Do it! Kung ayaw mong ikaw ang ipakulong ko bukas na bukas din sa pagiging kerida mo!" sabi ko, lalong nang gagalaiti ito. "I am a Del Prado, Maggie I can put you in jail right now!" gigil na sabi ko. Tila nahintakutan naman ito sa sinabi ko. Dahil hindi talaga ako mangingiming ipadampot ito at ipakulong ora mismo. "I pity you dahil kahit anong pilit mong makuha si Sean hindi mo talaga siya makukuha kasi hindi kanya mahal. So pasalamat ka nalang sa Kuya Clark mo dahil kahit sa maikling panahon naging iyo siya. Pero babawiin ko na siya kasama ng magiging anak namin!" muling sabi pa nito. Diniinan ko ang pagkakahawak ko sa braso nito. Humiyaw ito sa sakit subalit hindi ko pa rin ito binitiwan. Nang makarating kame sa labasan ay padaskol ko itong binitiwan. "Paalisin nyo yan dito!" utos ko sa dalawang guard namin. "Wag nyo akong hahawakan, aalis ako." sigaw nito sa mga guard. Nang makaalis ito ay pumasok ako sa loob ng bahay agad na napasalampak ako sa sahig. Nanginginig ako sa galit, napasapo ako sa aking puson ng makaramdam ng bahagyan kirot. "I am sorry baby, just hold on for mommy!" tumulo na ang mga luha ko. Umiyak ako. Lumabas si Manang Delia at agad na dinaluhan ako. "Diyos ko po nagpang abot ba kayo ng bisita mo?" nag aalalang tanong nito. Inalalayan ako nitong makatayo at iniupo sa sofa. "Ikukuha kita ng tubig." paalam nito at iniwan na ako. Mayamaya ay dumating na ito at ibinigay sakin ang tubig. Nanginginig pa rin ako sa galit. Matapos uminom ay kinalma ko ang sarili ko. "Aakyat na po ako Manang sa silid." paalam ko. Nang makapasok sa silid ay agad na kinuha ko ang maleta ko sa walk in closet. Isinilid ko roon ang ilang mga gamit ko, hindi ko kayang makita si Sean. Naglihim ito kahit alam nitong masasaktan ako oras na malaman ko iyon ay nagawa pa rin nitong maglihim. Maybe Maggie was right Sean didn't love me, he never love me at napilitan lang itong pakasalan ako dahil kay Kuya Clark. Dahil napasubo lang ito. Kinuha ko rin ang mga mahahalaga kong documento, passport, maging ang checkbook ko, alahas at savings account. Matapos mag-ayos ng gamit ay pumasok ako sa banyo upang maligo. Patuloy sa pag agos ang luha ko, umiiyak ako ng umiyak. Why? Bakit kailangan kong maramdaman ito? Mag-kakaanak na kame? Napaupo ako sa floor ng shower room, humikbi lang ako hangang maubos ang lahat ng luha ko. Isang oras din ang itinagal ko sa loob ng banyo. Pagbukas ko ay bumungad sa akin si Sean kauuwi lang marahil nito mula sa trabaho. Hindi ko alam if alam na nito na nagpunta rito ang babae niya at sinaktan ko. Nagbihis ako sa harap niya dahil iniwan ko roon ang damit ko. "May lakad ka?" takang tanong nito. Tiningnan ko ito, tinitimpi kong sumabog ang galit ko dito. "Do you have something to tell me Sean?" seryosong tanong ko dito. Nagulat ito halatang nagtataka. Umiling ito. Mapakla akong ngumiti at umiling. He's lying until now! "Are you sure?" Tumahimik ito bigla. "May problema ba?" pag iiba nito, lumakad ito papalapit saakin. Tumulo agad ang mga luha ko. "Baby what happened?" tanong nito na nag-aalala na. Tinulak ko ito. "Your a liar!" inis na sigaw ko. Nagulat ito sa tinuran ko, hindi ito nakakibo. From that alam ko na totoo ang lahat ng sinabi ni Maggie. "Maggie is pregnant!" sabi kong nakatingin sakanya, gusto kong makita ang reaction niya. Hindi ito kumibo. "Is that true?" Hindi pa rin ito umiimik. "Is that true?!" galit na sigaw ko na. Tumango ito, sunod sunod na pumatak ang luha ko sa pagkakataon iyon walang patid na iyon. Buntis nga talaga ito. "Are you the father?" tanong ko. Hindi ito nagsalita muli at yumuko lang. So that's a yes, he is the father! "Last week kasama mo siya hindi ba?" hindi pa rin ito nagsasalita. "Sumagot ka!" sigaw ko. "Yes!" sagot nito, pakiramdam ko para akong mamamatay ng mga sandaling iyon. Napahawak ako sa dibdib sa sakit na nararamdaman ko. "Please baby...." anito saakin, nang hahawakan ako nito ay iniiwas ko ang kamay ko. "You lied! Sabi mo magiging tapat ka, but you lied!" sinampal ko siya, pinagsusuntok. Pilit niya akong niyayakap kahit patuloy ang pagsuntok ko sa dibdib niya, sa braso niya. Nagpumiglas ako sa pagkakayakap niya. "Ngayon magkakaanak ka pa sakanya!" sigaw ko pa, halos magwala na ako. "Please babe....I'll explain." pagsusumamo nito habang pilit akong pinakakalma. "I don't need it! Ang dami mong chance na sabihin, ang dami mong chance na umamin pero hindi mo ginawa!" umiiyak na sabi ko, para akong mawawalan ng hininga sa sobrang sakit ng dibdib ko. Niyakap ako nitong muli. "Don't touch me!" galit na sigaw ko ng muli ako nitong hawakan. Tumayo ako at pumasok sa closet room hinila ko ang maleta. Gulat na gulat ito na nakatingin sa mga maletang bitbit ko. Mabilis itong lumapit saakin at pilit na inaalis ang mga maleta sa kamay ko. "Babe please, let's talk please!" nagmamakaawa nitong sabi. Tumulo ang luha ko. "Maybe I was wrong, mali nga siguro na minahal kita. Mali nga siguro na nagpakasal tayo." sabi ko. "No! Don't say that...I love you. I love you so much." hindi ko ito nilingon, ni hindi ko nga magawang paniwalaan ang sinasabi nitong pagmamahal. Yung inaantay kong salita na sabihin nito sa ganitong sitwasyon pa kaya paano ko siya paniniwalaan kung sinasabi lang niya iyon para hindi ako umalis at magalit si Kuya Clark dito? "You don't love me, kasi kung mahal mo ako we were not having this kind of arguement." mapakla kong sabi. Hinila ko muli ang maleta at nagsimulang humakbang. Umiyak ito. He plead. Tila ba talunan ang itsura. Yumakap ito sa tuhod ko. "Please baby...don't leave me....please..." pagmamakaawa nito. "Baby...please!" hindi ko alam kung para saan ba ang luha nito ganoon ba ito katakot kay Kuya Clark? "Let me go!" galit na sabi ko at pilit na inaalis ang braso niyang nakayakap sa hita ko mula sa pagkakaluhod nito. "Let me go Sean! Let me go!" patuloy na sigaw ko habang kinalakas pa rin ang mga kamay nito. "Pag hindi mo inalis yan, mas lalo kitang kamumuhian!" sabi ko, dahan dahang lumuwag ang pagkakayakap nito hangang sa alisin nito ang mga braso. "Please.....don't leave me. Celine please....baby." pagmamakaawa nito. Hindi ko siya pinakinggan at hinila ko ang maleta palabas ng kwarto hangang makababa ng bahay. Humabol ito hangang sa labas at niyakap ako mula sa likuran ko. "Baby....please don't go. Ayusin natin please pag-usapan natin.. magpapaliwanag ako, pakinggan ko muna ako!" pakiusap nito. Masyadong masakit ang mga nangyari at hindi ko pa kayang makita siya. Kinalas ko ang pagkakayakap nito sa baywang ko. Naglakad ako at isinakay ko ang maleta sa kotse. Nangmakasakay ako ng kotse at nagmamakaawa pa rin si Sean pilit na binubuksan ang sasakyan ko. "Baby.....please! Don't go...Celine please!" anito habang patuloy sa pagbukas sa pintuan ng kotse. Binuksan ko ang bintana ng bahagya. "Huwag kang susunod, oras na sumunod ka ibabangga ko ang sasakyan ko para tapos na!" banta ko. Nahintakutan naman ito, pinaandar ko ang sasakyan at umalis na. Mula sa mirror view ay natanaw kong napaupo ito. "Kahit ngayon lang Sean, gusto kong lumayo. Minahal lang naman kita pero bakit ganito? Bakit palaging ako yung talo? " wika ko habang papalayo ang sasakyan at tinatanaw ito. Siguro nga may mga bagay na hindi dapat ipinipilit. Ang nangyari saamin ay resulta ng kapangahasan ko marahil, napilitan itong pakasalan ako dahil kay Kuya Clark. I was so young and naive. Kinapa ko ang puson ko. "I am sorry baby....I am sorry kung lalabas ka sa mundo na tayong dalawa nalang. Mommy wasn't strong enough, but I promise I will do my best anak." kausap ko sa bean palang na nasa sinapupunan ko. Patuloy lang sa pag agos ang luha ko, maging ang lugar na tinatahak ko ay walang direksyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD