Celine's POV
_
_
_
_
_
NAGISING AKO ng nangangasim ang sikmura ko. Dali dali akong bumangon at bumaba. Tinungo agad ang kusina at doon nagduduwal ako. Halos manlambot ako sa kakasuka na halos puro acid na dahil mapait na sa panlasa ko. Nagmumog ako agad upang maalis ang pait na naiwan sa dila ko.
"Buntis ka ba anak?" usisa ni Nanay Belen.
Lumingon ako dito naroroon na din pala sina Leon kasama si Lilly. Lumapit ito agad saakin.
"Opo, 7 weeks palang po" matapat kong sabi, nahihiya ako dahil alam kong hindi lang ako ang posibleng kupkupin ni Nanay Belen kundi pati magiging anak ko.
"Sumama ka na kaya kay Leon ng makapagpatingin ka sa doctor dito. Pediatrician iyang si Leon." ani Nanay Belen.
"Nakapagpacheck up ka na ba?" tanong ni Leon, inilapag nito ang supot na hawak nito.
"Yes, niresetahan na rin ako ng OB ko sa Manila ng vitamins na kakailanganin ko." sabi ko, tumango tango naman ito.
"Good then, basta ifollow mo lang yung bilin ng OB mo before at if lumala ang morning sickness mo at nahirapan ka I can accompany you sa hospital kung saan ako nakaduty."
"Salamat." sabi ko at ginantihan ito ng ngiti.
"May dala nga po pala akong tinapay Nanay Belen. Itong si Lilly ay dito raw po muna uli sa inyo." wika ni Leon kay Nanay Belen.
Agad naman na tumakbo si Lilly dito. "Tita Celine can we play?" nakangiting tanong nito saakin.
"Sorry baby tita Celine can't play with you today, she's not feeling well. Maybe next time." sabi ni Leon sa anak at ginulo pa ang buhok nito. Hinalikan nito sa pisngi pa ang bata. "Mauna na ako." Tumango ako dito. "Nanay Belen mauna na po ako." paalam din nito kay Nanay Belen.
"Siya sige mag-iingat ka na lang." sagot naman dito ni Nanay Belen.
"Bye Princess!" paalam pa nito sa anak.
"Bye daddy, I love you." magiliw na sagot ng bata dito. Tumango pa ito saakin bago lumabas ng bahay at sumakay ng sasakyan. Kumaway pa ito sa anak nito.
Very smart ang anak ni Leon sa edad nitong tatlo mahigit ay matatas na ang dila nitong makipag usap kahit sa nakatatanda.
Umupo ako sa upuan sa harap ng mesa. Pinakiramdaman ko ang sarili kung masusuka pa ba ako. Tumabi sa akin si Lilly kaya nginitian ko ito.
"Gusto mo bang kumain na?" tanong ni Nanay Belen saakin. "Gusto mo ba ng lugaw?"
Umiling ako. "Kung ano nalang po ang nakahain na Nanay, huwag na po kayong mag-abala ayos lang po ako." nahihiyang sagot ko dito.
Kumuha ako ng tinapay na dala ni Leon at kumagat. Ngumiti pa ako ng kumuha rin niyon si Lilly at umupo sa tabi ko. She even hold my hands.
"Can you be my mommy?" biglang sabi nito.
Hindi ko alam kung anong dapat kong isagot sakanya dahil baka biglang umiyak ito. "Sorry baby, tita Celine is already married."
Lumabi ito, ang cute nito. "But where is he?" napakabibo nito at sadyang mausisa.
Nakagat ko ang ibabang labi. "He is working abroad that's why he is not with me." sabi ko na lamang dito.
"Okay." nakahinga ako ng maluwag ng hindi na ito nagtanong pa. Mahihirapan pa akong magsinungaling. "Do you have a sister?" muling tanong nito
"Yes," nakangiting sagot ko, nagningning ang magagandang mata nito.
"She can be my mommy then?" gusto kong matawa sa sinabi nito. Tumango ako.
"Ofcourse baby, she's very beautiful like you." sabi ko pa, tuwang tuwa ito dahil doon.
Tiyak na kung kasama ko lang si ate Cristine ay sinasakal na ako noon. Well Leon is a good fine man, kahit na single dad ito. Trenta pa lamang ito at sabi nito dalawang taon palang itong pediatrician doon sa Cagayan. Hindi ko naman na naitanong dito kung bakit doon nito napiling magserbisyo.
_
_
_
_
_
NIYAYA AKO nila Nanay Belen at Leon na magsimba sa bayan ng Santa Ana. Mamimili na rin daw kame kaya naman natuwa ako. Linggo at walang pasok si Leon kaya ito na ang nagdrive saamin. Kasama rin namin si Nanay Minda at Lilly.
Dalawang linggo na akong nananatili sa poder ni Nanay Belen. Kahapon ay tumawag saakin si Felicity gusto sana nitong magbalita tungkol kay Sean subalit pinigil ko agad ito dahil ayokong makarinig ng kahit na anong tungkol dito. Update lang tungkol sa The Cravings café ang gusto kong marinig.
Sabi nito ay maayos naman daw ang proseso ng pinapatayo namin na café. Nakailang balik rin daw ang kuya Clark at ate Cristine ko doon upang magtanong sakanya kung may balita tungkol saakin. Napanatag naman ako ng hindi ito nagbigay ng impormasyon. Sa ngayon maayos ang lagay ko at wala silang alam kung nasaan ako.
Matapos namin magsimba ay dumaan kame sa public market ng Santa Ana. Napag-alaman ko na marami palang resorts na malapit doon. Tumingin rin ako ng maaaring pagkaabalahan ko na negosyo. Kapag bumuti na ang pagbubuntis ko ay gusto kong magkaroon kahit paano ng pagkakakitaan.
Namili ako ng maraming pagkain kahit panay na ang awat ni Nanay Belen saakin. "Ikaw talagang bata ka abay pang dalawang buwan n yata ito." sabi ni Nanay Belen at inaawat na ako.
Mamaya ay bibili kame ng oven dahil gusto kong magbake. Natuwa pa nga si Lilly ng malaman nito na marunong akong magbake, nagrequest pa ito ng cookies at cupcakes.
"Daddy can we go swimming next time?" sabi ni Lilly kay Leon.
"How about a swimming later?" tanong ni Leon particular saamin.
"Abay maganda nga iyan at ngayon lang naman nakalabas itong si Celine simula ng tumira iyan saakin." nasisiyahang sabi ni Nanay Belen.
Nagtatatalon naman sa tuwa si Lilly na para bang first time din nitong gagawin iyon. "Yehey.... I love you daddy!" tuwang tuwang yumakap pa ito sa mga hita ng ama. Binuhat naman agad ito ni Leon at hinalikan sa pisngi.
"Pagkatapos natin dito ay bumalik na tayo sa Casagan at ng makapaghand ng dadalhin." sabi naman ni Nanay Minda.
Matapos namin makapamili ng mga pagkain at oven ay nagbyahe na kame pabalik sa Casagan. Alas Diyes pa lang naman ng umaga dahil maaga palang ay nagsimba na kame.
Pagdating sa bahay ay tinulungan na ni Nanay Minda si Nanay Belen na ayusin ang mga pinamili namin. Lumapit na rin ako maging si Leon.
"Do you need anything?" tanong nito hawak ko ang isang supot ng liempo na balak kong ibabad upang maihaw namin mamaya.
Kahit hindi pa ako nakakapagsalita ay kinuha na nito ang liempo at ito na ang naghugas matapos ay inilagay nito sa isang container. Tinulungan din ako nitong maghiwa ng bawang habang sinisimulan ko ng ibabad ang liempo.
"You are really a good cook." puri nito. "Ang bango ng marinade na ginawa mo." nakangiting puro nito. Noong nakaraang linggo ay gumawa siya ng homemade chicken nuggets na naging paborito na ni Lilly. "No wonder kaya culinary ang kinuha mo."
Nginitian ko lang ito, nilingon ko sina Nanay Belen na abala sa pagluluto ng gulay. Nakasaing na rin ito sa malaking rice cooker.
"Mahilig ba sa fried chicken si Lilly?" tanong ko, balak ko sanang gawan ito ng fried chicken.
"We both love fried chicken and spaghetti." sagot nito sa akin saka tumawa.
"Kiddie meal ba?"
"Yes and fries please." ganting biro nito. Leon was like an older brother to me, nakikita ko sakanya si kuya Clark ang pagiging seryoso nito at mapagmahal at the same time. Sa katauhan nito parang nagkaroon ako ng kuya. Madalas nga little sister pa ang tawag nito saakin.
"Daddy can we have spaghetti?" biglang sabi ni Lilly marahil ay narinig ang ama.
Yumuko ako rito at ngumiti. "Yes baby tita will cook you spaghetti." sagot ko tuwang tuwa naman ito.
"May nahanap ka na bang resort na pupuntahan natin Leon?" tanong dito ni Nanay Belen. Tumango naman si Leon dito.
"Yung kaibigan ko po may rest house sa San Vicente sa beach po mismo." imporma nito. "Naabisuhan ko na rin po ito."
_
_
_
_
_
BANDANG ALAS TRES na ng hapon kame nakarating sa Barangay San Vicente kung saan naroroon ang beach front resthouse ng kaibigan ni Leon. Bago kame magpunta roon ay dinaanan pa namin ang kaibigan nito para ibigay kay Leon ang susi ng bahay. Isa din itong doctor sabi ni Leon.
Tulong tulong namin ipinasok ang lahat ng pagkain na dala namin sa kusina ng bahay. The house was also half stone at wood. May malawak pang gazebo ito sa second floor na siya naman nagsilbing bubong ng open area sa baba na pinaglagyan rin ng mga beach bed. Ang ibang bahagi ng bahay ay yari naman sa kawayan. Gaya ng gazebo, maaliwalas at malalaki rin ang bintana niyon.
Ang sofa ay yari sa kawayan na may foam. Maging ang dining table ay gawa sa kawayan. Presko din ito dahil sa malalaking bintana na naroroon kung saan tanaw na tanaw mo ang puting buhangin at asul na asul na kulay ng dagat.
"Are you not tired?" tanong ni Leon.
Umiling ako hindi naman kasi ako pagod talaga at kapag nakakaramdam ako ng pangangalay ay umuupo rin naman ako agad.
"Let's go there tita Celine." yaya ni Lilly saakin, agad na hinila nito ang kamay ko kaya naman sumunod na rin ako.
Bitbit nito ang mga pang buo nito ng sand castle. Natanaw ko pa sina Leon at Nanay Belen, ngumiti naman ako sa mga ito.
Masaya kameng gumagawa ni Lilly ng sand castle ng umupo sa tabi namin ang daddy nito.
"We should do it more often." sabi nito. "Sometimes I thought I neglected her..." sabi nito saka tumingin sa anak na abala sa pagbuo ng sand castle.
"Lilly is a smart kid, alam niyang mabuti kang ama sakanya at alam niya kung ano ang trabaho mo." sabi ko. "Does she ask about her mom?" tanong ko dito, nilingon ko ito biglang nagbago ang itsura nito.
"Dati tinatanong niya ako, sabi ko wala na. Ayoko siyang umasa na babalik pa si Rizza." nakaramdam ako ng lungkot, will I also tell the same kung anak ko na rin mismo ang maghahanap sa daddy niya? Mariin kong ipinikit ang mga mata.
"Sinubuksan mo na bang hanapan siya ng ibang mommy?" bigla ay tumawa ito.
Kumunot ang noo ko. "Palagi akong tinatanong ni Lilly nang ganyan, pakiramdam ko nga ako na ang hinahanap niya." ako naman ang natawa sa sinabi nito, kaya pala noong isang araw ko palang sa bahay ni Nanay Belen ay tinanong na ako ni Lilly kung pwede ba akong maging mommy nito.
At the same time I felt sad. Marahil naghahanap talaga ng ina si Lilly at sa murang isip niya akala niya ang paghahanap ng magiging asawa ng daddy niya ang solusyon.
"Do you consider it?"
Umiling ito. "I don't know pakiramdam ko hindi ko na kayang magmahal pa ng iba bukod kay Lilly." sagot nito nakatingin na sa karagatan. I saw pain in his eyes. Pakiramdam ko para din akong nananalamin sa sarili kong mata. "Ikaw do you consider of talking to your husband?" pag iiba nito.
Umiling ako. "Hindi ko pa siya kayang makita. Masyadong masakit ang mga nangyari saamin."
"Healing can make the hearts forget sabi nila." matalinghagang sabi nito. "Kapag nakamove on na tayo nakakalimutan din natin ang sakit na idinulot noon. Natututo rin tayong magpatawad sa taong nakagawa saatin ng sakit."
Tumingala ako sa asul na asul rin na kalangitan. Kinapa ko ang dibdib ko may sugat pa rin, masakit pa rin. "Minsan akala mo okay ka na pero kapag mag-isa ka nalang mararamdaman mo nanaman yung familiar na pain sa dibdib mo. Iyong magiging sanhi nanaman ng pag-iyak mo. Sa ngayon gusto ko muna ng malayo sakanya, kung saan pwede kong hilumin iyong sakit...." sabi ko, mabilis kong pinunasan ang mga luhang lumabas sa pisngi ko.
"Its okay to cry." narinig kong sabi nito. "I do cry sometimes." nilingon ko ito. We were both sad, iyong lungkot na mula sa taong minahal namin. I can see his longing, his sadness, his pain thru his eyes. Madilim iyon at kahit seryoso ay malungkot ang aura.
Hinayaan ko ng umiyak ako, eto na ang huling beses na iiyakan ko siya. Huling beses na masasaktan ako dahil sakanya. Huling beses na malulunod ako mula sa sakit.