Sean's POV
_
_
_
_
_
KADARATING pa lamang ni Sebastian sa opisina ko. May importanteng bagay akong pinatatrabaho dito. May tiwala ako sa galing at kakayahan nito kaya alam kong bago pa man makarating kay Celine ang lahat ay gusto kong may sapat na paliwanag na ako.
"May nakalap ka na?" tanong ko.
Umiling si Sean. "Still no lead. Ikaw lang talaga ang huli niya." mariin kong ipinikit ang mata ko at hinilot hilot ang sentido ko.
Pakiramdam ko mawawala saakin ang lahat.
"How long will it take to have the Pre-Natal DNA test and the result?" tanong ko since ito nalang ang last resort ko.
"Well according sa kaibigan ko may certain months iyon na nasa sinapupunan bago magsagawa ng DNA testing. As early as 9 weeks kung both healthy ang bata at parent." paliwanag nito.
Nasa 3 na buwan na ang dinadala nito labis pa sana kaya lamang nitong nakakaraan ay ilang beses nadoktor ito dahil madalas sumakit ang tyan. "I will ask her to do the test then." sabi ko saka malalim na bumuntong hininga ako.
"Do it fast Sean. Dahil baka mas maunang malaman iyan ni Celine bago mo pa matuklasan ang katotohanan kung anak mo ba talaga iyon o hindi." payo ni Sebastian. Naisuklay ko ang mga daliri sa buhok.
I shouldn't let myself f**k her before in the first place. Kung alam ko lang na magdadala ito saakin ng problema ngayon. Alam kong nagtataka na si Celine, nagsisimula na itong magtanong at ang ikinatatakot ko na malaman nito ang katotohanan ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
"Or tell Celine the truth and apologized." sabi Sebastian. "She'll understand you bro." umiling ako, I won't take that risk. I will have to find the truth no matter what.
"I can't bro, I can't take that risk and sacrifice our marriage." sabi ko.
"Is that girl knows you are married?" usisa nitong bigla.
Umiling ako. "No, I didn't tell her kasi natitiyak kong oras na malaman niya na kasal ako siguradong didiretso iyon doon." paliwanag ko.
Umiling ito. "Then huwag mong hayaan na malaman niya na kasal ka not until masure mo ang totoo." sabi nito.
"I know." tanging nasabi ko nalang.
Bumuntong hininga si Sean at ilang ulit na umiling. "Clark will be mad for sure if he also finds out that you are having a child pero hindi sa kapatid niya." nakuyukom ko ang mga kamao sa sinabi ni Sebastian. I f****d up.
Matapos ang pag uusap namin ni Sebastian at mga pinaaasikaso ko dito ay umalis na ito. Naiwan ako sa opisina at inasikaso na ang mga naiwang trabaho ko.
Bandang alas onse na ng makauwi ako ng bahay. Pagpasok ko ng silid ay mahimbing na natutulog si Celine. Maingat kong ibinaba ang mga gamit ko at kinuha ang roba saka pumasok sa banyo.
Matapos kong maligo ay tumabi na ako dito. Mahimbing pa rin ang tulog nito. Niyakap ko ito at isiniksik ang mukha sa leeg nito, bahagya itong gumalaw at humarap sa akin.
"It's late...when did you came?" medyo paos na tanong nito.
Hindi ako kumibo at mahigpit lang itong niyakap saka ko hinalikan ang mga labi.
"I miss you babe..." sabi ko pinaglandas ang ang kamay ko sa suot nitong manipis na pantulog.
Marahan kong pinisil ang dibdib nito, napangiti ako ng makita ang reaksyon nito. She blushed everytime I touch her and talk how much I want her.
"Sean....." babala nito.
Hindi ko iyon pinansin at sinimulang halikan ang isang dibdib niya. Ilang beses pa itong napasinghap, umungol ito na siyang nagpapabaliw saakin dito. Inangat ko ng bahagya ang hita nito sa bandang baywang ko upang mabigyan ako ng laya. Bumaba ang kamay ko sa p********e ito at ipinaloob iyon sa panty nito. She was wet and ready.
Dahan dahan kong ipinasok ang akin dito at tanging mga ungol nito ang naririnig ko na nagbibigay lalo sa akin ng lakas. Umibabaw ako dito I wanted to see her face and kiss her over and over while I am inside her.
Humiga ako at niyakap siya after we made love.
_
_
_
_
_
_
_
Celine's POV
NAGPASAMA ako kay Felicity na maghanap ng pwesto ng pagtatayuan ng restaurant na nais namin itayo. Sabi ko dito ay tulungan ako kahit ako na sa capital. Pumayag naman ito dahil pangarap din nito iyon.
"Sa tingin mo maganda ang location doon?" tanong ko nasa isang café kame sa bandang Quezon City. Doon ko kasi napiling mahanap ng lugar na pwedeng bilhin or irent. Malapit din iyon sa main branch ng CH&R kaya mas madali kong madadalhan ng lunch si Sean kung available din ang oras ko.
"Maganda ang location marami din tao kaya good choice iyon." sabi ni Felicity.
Sumubo ako ng chocolate cake na halos maubos ko na nga agad. Tinawag ko pa ang waiter at umorder pa agad ng isa pang kagaya din noon dahil nagugutom talaga ako.
Titig na titig saakin si Felicity habang sumusubo ng cake na kalalapag lang ng waiter. "What?" takang tanong ko pa.
"Bakit parang gutom na gutom ka?" tanong nito.
"Nakakapagod kayang maglibot sa buong Quezon City." sabi ko.. "Heaven talaga ang cake nila." sabi ko pa at ninanamnam ang pagkain.
"As far as I know hindi ka mahilig sa chocolate cake." naiiling na sabi nito.
Yes that's true hindi ako ganoon kahilig sa chocolate cake dahil masyadong matamis ang mga ito. Mas gusto ko ang mga light cake lang gaya ng mango cake or strawberry cake. Lately hinahanap hanap ng panlasa ko ang chocolate kaya naman ng makita kong may chocolate cake ang café na pinuntahan namin ay natakam ako.
"Well nag-iiba naman ng taste ang tao." sagot ko nalang dahil hindi ko rin alam ang isasagot dito.
"By next week pwede na natin makuha iyong pwesto once masettle ang mga legal papers." pag iiba nito ng usapan.
3 Million ang presyo ng may ari ng lupa para sa 40 square meter na sukat niyon. Hindi na masama kung tutuusin nakamura pa sila dahil sa Quezon City ito located.
"Tatawagan ko ang family attorney namin para mapaasikaso ko kaagad ito." nakangiting sabi ko at muling sumubo ng cake.
"Nakakapanibago ka talaga beshy." muling puna nito at tiningnan pa ako mula ulo hangang paa. "Hindi kaya buntis ka?" sabi nito na muntik pa akong masamid.
Mabilis kong kinuha ang frap na iniinom upang maibsan ang pagkasamid ko. Isipin ba naman nitong buntis ako dahil lang sa pagkain ko ng chocolate cake. Tumawa ako ngunit bigla rin naman napaisip. Hindi ko rin maalala kung nagkaroon ba ako noong nakaraang buwan.
"See napaisip ka? What if buntis ka nga?" tanong nito.
Ngumiti ako. "Well I'll be the happiest woman, I guess." sabi ko, masaya ako noon ang kaalaman na magkakaanak kame ni Sean ay nagbibigay saya sa dibdib ko. Higit sa lahat ang kaalamang hindi na lamang kasal ang mag uugnay saamin ay napakasaya ko.
"Well if ever man na may baby dyan." turo na pa nito sa tyan ko na pipis pa naman kaya ayoko din umasa na meron nga. "Siguradong may forever ka na kay Sean. Kasal ka na sakanya at magkakaanak pa kayo." dagdag nito na lalong ikinangiti ko.
"Sana nga," sagot ko at binigiyan ito ng matamis na ngiti.
Matapos namin kumain ni Felicity sa isang café ay inihatid ko na ito sa tinitirhan nito. Dahil hindi gaanong traffic kaya hindi rin ganoon katagal ang byahe namin.
Bumaba pa ako saglit upang bumili kay Nanay Yolly ng masarap nitong barbecue at paa ng manok. Those were my favorite street foods na tinda nito.
Ngumisi saakin si Felicity dahil hindi pa man ako nakakaalis ay napangalahati ko na raw ang binili ko.
"Positive talaga yan beshy." nakangisi nitong sabi, ngumiti lang ako mahirap ng mausog kapag inasam kong meron talaga.
"Nanay Yolly pakidagdagan pa nga po itong barbecue na binili ko." sabi ko kay Nanay Yolly.
"Abay mananaba ka niyan Celine at tumatakaw ka na." puna pa nito, lakas ng tawa ni Felicity. Bigla ay tiningnan ko ang katawan ko kung tumataba na ba ako.
"Namutla ka na riyan." Natatawang sabi nito pa. Inismira ko ito.
Matapos maluto ang iba ko pang binili ay nagpaalam na rin ako sa mga ito mag aalas siete na kasi ng gabi tiyak na nag aantay na sila Manang Delia saakin. Lobat pa ako at nakalimutan ko ang charger ko kaya hindi ko rin ito naicharge sa sasakyan.
Nang pauwi na ako sa ay inabutan pa ako ng traffic sa Edsa tiyak na gagabihin ako nito pa Alabang. Nakalimutan kong Friday nga pala at payday pa. Kung kaninang hapon ay maluwag pa ang daloy ay biglang traffic naman ng pabalik.
Nakailang pilit pa akong buksan ang telepono ko pero drained na talaga ang battery nito. Habang traffic ay pinapapak ko ang barbecue na binili ko. Mabuti nalamang pala at bumili ako noon kung hindi gutom ang aabutin ko sa traffic na ito.
_
_
_
_
_
PASADO 11pm ng makarating ako ng bahay. Mabilis akong bumaba at dinampot ang natitirang barbercue at bag ko. Madilim ang sala ng bahay, dumiretso ako sa kusina at kumuha ng container na pwedeng pagsildan ng barbecue. Matapos magawa iyon ay umakyat na ako sa silid.
Pagbukas ko ng ilaw ng silid ay wala si Sean doon. Binaba ko lang ang bag ko sa side table at tinungo ko na ang library. Nagtaka ako ng wala rin ito doon.
Muli akong bumalik sa silid at chinarge ang phone ko tsaka ako bumaba muli.
Kinatok ko ang silid nila Manang Delia nahihiya man ako na baka tulog na ito ay hindi naman ako makali na hindi ko malaman if nakauwi ba o umulis muli si Sean.
Binuksan nito ang pinto. "Nariyan ka na pala kayo." sabi nito na ikinataka ko.
"Umuwi po ba si Sean, Manang Delia?" tanong ko, nagulat ito.
"Abay akala ko magkasama kayo, hindi kasi siya umuwi. Dahil wala ka rin kaya akala ko magkasama kayong mag-asawa." sabi nito. Bigla ay gusto kong maiyak. Bakit wala pa ito hindi rin ito tumawag kila Manang Delia.
"Sige po Manang nalobat po kasi ako ay kasama ko po ang kaibigan ko, traffic din naman po kaya ginabi po ako." sabi ko. "Icheck ko nalang po ang phone ko." pagkasabi ko ay humakbang na ako pabalik.
"Kumain ka na ba?" habol nito at lumabas na rin ng silid.
Huminto ako at lumingin dito. "Opo Manang," sagot ko at umakyat na sa silid.
Pagpasok ay nagmamadali kong binuksan ang telepono ko upang malaman kung nagtext ba si Sean saakin. Nang mabuksan ay naghintay ako ng limang minuto sa pagpasok ng mensahe ngunit wala. Nanlalambot na umupo ako sa kama.
Gaano ba ito ka busy para hindi man lang ako itext? Nakaramdam ako ng paninikip ng dibdib at pagbara sa lalamunan ko.
Napalingon ako ng makarinig ng busina mula sa labas kaya lumapit ako sa bintana. Si Sean at kasalukuyang papasok sa tarangkahan. Hindi na ako bumaba at hinintay nalang ito na pumasok sa silid.
Ilang sandali pa ay bumukas pinto at iniluwa noon ito. Tiningnan ko ito nang may pagtataka at tahimik lang din itong nakatingin saakin.
"You didn't text me that you're going to be late." sabi ko, I heard him sigh. Nakagat ko ang ibabang labi sa pagpipigil na umiyak at awayin ito.
"Sorry I got so busy!" sabi nitong ni hindi man lang ako nilingon.
Pakiramdam ko biglang ang layo na nito last time he was sweet and caring ngayon ginagabi na ito ng uwi or kadalasan ginagabi ito ng tulog at nasa libarary nagtatrabaho. Nauunawaan ko naman ito na may obligasyon ito sa company nito, sa business nito at ng pamilya nito. Hindi naman ako nagdedemand ng oras kahit gaano man ito kabusy inuunawa ko ito. Ang gusto ko lang ipaalam nito kung sakaling gagabihin ito ng uwi para hindi ako nag-aalala. Was it so hard to do?
Tiningnan ko lang ito at lumabas na ako ng silid. Pakiramdam ko wala akong lakas makipagtalo dito. Natatakot akong mag-away kame, natatakot akong bigla nitong maging regret ang pagpapakasal sa akin. Pinunasan ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko.
Dinala ako ng mga paa ko sa kabilang silid. Guest room iyon ng bahay namin ni Sean. Humiga ako sa kama at tahimik na umiyak. Hindi ko alam kung bakit iniiyakan ko ang hindi nito pagpapaalam kung nasaan ito. Lumawak na ang pang unawa ko sa mga bagay bagay. Pero bigla ay naging sarado ang isip ko sa hindi pa man niya naipapaliwanag ng maigi na dahilan. Simpleng he was busy kaya hindi ako naisabihan na gagabihin ay iniyakan ko na.
Sa pag-iisip ay unti unti akong ginugupo ng antok kaya kinuha ko ang isa pang unan upang maayos ang pagkakahiga ko dito na lamang ako magpapalipas ng gabi for now. Sa ngayon ayokong makita at kausapin si Sean naiinis ako sakanya.