Nasa dining table na kaming lima. Magkatabi kaming dalawa ni Denzey samantalang si Bianca ay nasa harapan namin katabi ang nanay ni Denzey. Ang papa naman ni Denzey ay nasa center ng hapag-kainan. Napansin ko rin na kulay sky blue din ang dress ni Bianca. Talagang magkakulay pa kami ng dress na suot. Simula nang lumabas ang nanay ni Denzey ay tahimik na lang ako. Ayaw kong magsalita dahil natatakot ako tuwing tinitingnan niya ako. Nalaman ko rin na Rebecca ang pangalan ng nanay ni Denzey. Kahit pangalan pa lang niya nakakatakot na para sakin. Nagsisimula na kaming kumain at walang nagsasalita sa pagitan naming lima. Ang ibang katulong naman ay nasa bawat likuran namin para kung kailangan namin ng ganon, ganyan ay sila na ang gagawa. Tumikhim naman ang ama ni Denzey at ngumiti samin.
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


