Nang makarating ako sa hotel ni Denzey ay pinapasok agad ako ng guard, mukhang sinabi na niya na may pupunta ngayon dito. May nakasabay din akong ibang tao sa elavator at tinitingnan nila ako. Hindi ko na lang sila pinansin at kinuha ang cellphone ko. Saktong alas dose na. Nang bumukas ang elavator ay nagsilabasan na yung iba at ako naman ay nanatili. Sa 35th floor pa kasi ang opisina ni Denzey. Hindi rin nagtagal ay nakarating din ako dito. Nang lumabas ako ay may ibang empleyado ay napatingin sakin, nginitian ko lamang sila at nagsibabaan naman ng tingin yung mga yun. Medyo napanguso ako pero hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa paglalakad. Nakita ko naman ang table ng secretary ata ni Denzey. Ng lumapit ako sa kanya ay tumayo siya bigla. Parang ang taray naman ng babaeng ito

