MARKUS' POV "HEY, wake up. Good morning!" Wala sa huwisyo na bigla na nga lamang akong napamulat ng aking mga mata. Nakuskos ko pa iyon dahil sa panlalabo hanggang sa tuluyan ko ngang nawawaan ang nangyayari. Naramdaman ko na may marahang tumatampal sa aking pisngi. At nang tuluyang luminaw ang aking mga paningin, nasilayan ko ang pinakamasamang bangungot na nakita ko buong buhay ko. Si Moron the second na ngiting-ngiti pa sa akin. "Who the hell told you na maaari mong istorbohin ang tulog ko, you Moron?" Malapit na akong maniwala na boyfriend nga ito ni Jean? Bakit? Dahil sa halos pagkakapareho ng ugali nilang taglay. Pareho silang malakas mambuwisit at painitin ang ulo ko. Parehong Moron! "Wow, ha? Pasalamat ka nga at ginigising ka pa. Tara na habang maaga pa. Kabubukang-liwayway p

