JEAN'S POV ISANG magandang gising na naman ang mayroon ako sa mga sumunod na araw. Pagmulat ng aking mga mata ay agad na may ngiting nanulas sa aking mga labi. Humikab ako at nag-stretch ng katawan habang nananatiling nakahiga sa malambot na kama. It is such a wonderful day! "I want you to take your day off." Iyon lang naman ang magandang ibinungad sa akin ni Sir France noong hilingin niya na magkausap kami nang naroon kami sa ospital. "Sir?" While staring at his almond-shaped eyes ay parang nabingi ako. Napakaguwapo niya talaga. "I said, kailangan mag-day off ka. Sorry kung ngayon ko lang nasabi sa 'yo. My brother is undeniably hard-headed, right? You need some rest. Anong araw ba ang gusto mong mag-day off?" Tumungo ako at saglit na napa-isip. "What about Sunday, Sir?" Tutal Sund

