"Monique!" sigaw ko nung nakita ko ang kaibigan nakaupo sa canteen.
Kunot noo niya akong nilingon, ngunit agad naman siyang ngumiti at itinaas ang kaliwang kamay para kawayan ako.
Patakbong lumapit ako sa kanya tsaka umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan niya.
"Vacant?" tanong ko sabay patong ng dala kong bag sa gilid.
"Oo, walang professor. Ikaw?"
"Ganun din. Mukhang may faculty meeting ata sila ngayon. Kumain ka na ba? Tara lunch tayo!" anyaya ko.
"Mauna ka na Nikka. Hinihintay ko pa si Niel."
Nahihiyang ngumiti siya sa'kin pagkatapos.
"Nandito ba ang mokong na 'yon? Baka naman niloloko ka 'non Monique, nasa hospital ata 'yon eh."
"Ang sabi niya nandito 'raw sila ngayon sa campus."
My eyes narrowed as I looked at her, na agad niya namang iniwasan.
"Nga pala.. Narinig ko mula kay lola maaga ka raw nagising kanina?" pag change ng topic niya. "Is there something bothering you?"
Umiling ako "wala, hindi lang ako makatulog kagabi."
"Bakit naman? Is it because of your upcoming exhibit?"
Simula pagkabata, magkaibigan na kami ni Monique, sabay na lumaki. Siya ang kaisa isang tao na sinabihan ko na gusto kong ipagpatuloy ang pag pepaint.
Malaki ang tiwala ko sa kanya, at kampante ako na hinding hindi niya ipagkalat sa ibang tao ang sikreto ko.
"Partly yes." I sighed and fakely smiled at her "I already have the initial sketches but they really seem to be lacking on something I cannot identify."
"Patingin nga ng sketches mo"
Mabilis niya kinuha ang sketchpad ko tsaka walang pasabing binuksan at isa isang tiningnan ang mga pages ne'to kung saan may iba't ibang sketches.
"Ang ganda Nikka" puri niya "ba't mo nasabing may kulang sa ginawa mo? Eh ang ganda na nga."
I shrugged, binawi ang sketchpad sa mga kamay niya tsaka muling ipinasok sa loob ng bag ko. Mahirap na baka mahuli pa ako ni Niel dito.
"I don't know, i'm also trying to figure it out." Tipid akong ngumiti.
"Alam mo, try mo kayang pumunta sa ibang mga exhibit" biglang suggest ni Monique. "Or go to an amusement park. Your theme is about happiness right? Malay mo baka may mahanap kang idea 'don."
"I'll try, baka kasi may biglang ipagawa si daddy."
"You know if you told your family about this, alam kong matutuwa sila at buong puso ka nilang susuportahan, lalong lalo na si ma'am Nikki."
I smiled without showing a teeth and shake my head.
"Wag na, minsan lang naman mangyari 'to. Tsaka mas kailangan ako nila daddy sa D' Mall."
Marahan na hinawakan ni Monique ang kamay kong nakapatong sa table.
Akmang may sasabihin pa sana si Monique ngunit hindi niya maituloy dahil sa biglaang pag sulpot ng isang kumag.
"Oy! Ano yan? PDA yan ah!"
Bago pa siya makaupo sa tabi ni Monique ay agad kong hinagis ang dala kong pencil case kay Niel dahil sa galit. Hindi siya nakailag kaya sapul sa mukha niya.
"Pucha! Ba't ka nang hahagis ha!" mahigpit niyang hinawakan ang pencil case ko at nag aamba pang gantihan ako.
"Tanga ka ba o sadyang bobo lang Niel! Anong PDA ha? Atsaka ba't ka na naman nandito?"
"Bakit bawal ba? Estudyante 'rin ako dito."
I rolled my eyes infront of my brother. Unti unting tumayo atsaka kinuha ang pencil case na hawak niya.
"San ka pupunta?" pag pigil ni Monique sa'kin.
"Aalis na, bibili ng pagkain." nginitian ko si Monique tsaka napawi ang ngiti nung tiningnan ko si Niel. "Pangit mo!"
Muli kong tiningnan si Monique.
"Mauna na ko Monique. Mag ingat ka diyan sa kapatid ko."
Rinig ko na natawa si Monique bago ako tuluyang tumalikod at umalis sa table.
Ngunit napahinto sa gilid nung naramdaman ko ang pag vibrate ne'to.
It was a text message from one of my professor. Sinabi niyang hindi kami mag kakaroon ng discussion mamaya dahil na nga sa faculty meeting.
She gave me the task to get the attentance of my classmates and pass it on her office afterwards.
Kaya naman imbes na tumungo sa mga kiosk ay napaatras ako at mabilisang nag type ng message sa group chat ng section namin.
Guys wala si ma'am. I need all of you to go to our classroom now for the attendance.
Pagkatapos 'non ay lumabas na ako ng cafeteria para tumungo sa classroom.
"Pres!" bungad kaagad sa'kin ni Erickson nung papasok na ako sa classroom.
Kita ko ang iba ko pang mga kaklase na nag kukumpulan sa teacher's table. Nandon siguro ang pinapaaikot nilang papel ng attendance namin.
"Oh? Nandito na ba ang lahat?" I said sabay patong ng bag ko sa arm chair.
"Oo. Wala na ba talaga tayong pasok hanggang mamaya?" mas lalo siyang lumapit sa'kin.
"Oo, pero sa ibang prof hindi ko pa alam. Guys!" linakasan ko ang boses ko, sa ganon ay makuha ko ang atensyon nilang lahat. "Gumawa kayo ng dalawang attendance paper, incase na mag text si ma'am Sandoval na wala tayong pasok ay handa na tayo."
"Nice one pres!"
"Yun oh! Iba talaga kapag matalino ang class president na'tin. Ang tindi mag isip." rinig ko mula sa mga kaklase.
Pansin kong nag labas pa ng isa pang yellow paper ang isa kong kaklase para simulan ang panibagong class attendance na'min.
Isa isa namang nag silapitan ang iba para isulat ang kanikanilang pangalan 'don.
Ilang sandali pa ang nakalipas bago nila ipinasa sa'kin ang dalawang yellow pad paper.
"Tapos na ba ang lahat?" I said while raising the paper "Check your phone from time to time. Sa group chat na 'ko mag uupdate mamaya kung mag kakaroon ba ng class si miss Sandoval o hindi na."
Napapikit ako ng mariin nung sabay sabay nag sihiyawan ang mga kaklase ko. Nakangiting umiling na lang ako tsaka nauna nang lumabas ng classroom para pumunta sa faculty office.
I knock the door before I totally open it.
Isang malamig na hangin galing sa aircon ang humampas sa mukha ko. Sobrang laki ng pasasalamat ko dahil dito. Mainit kasi sa labas kaya kahit maikli lang ang inilakad ko ay puno na ako kaagad ng pawis.
Iginala ko ang paningin ko sa buong faculty office, trying to find my professor but there's none. Pawang ang mga working student lang nang nandon sa loob, busy sa paper works.
Lumapit ako sa isa kung saan, siya ang parating nag rereceive ng class attendance sheet sa tuwing wala ang professors dito sa loob ng office.
"For mrs Labramonte" I said
Napatingala siya sa'kin sabay ngiti. "Okay noted. Thank you miss Delos Santos." she politely smiled at me after.
Pagkatapos kong ipasa, lumabas na ako sa office at agad na nilabas ulit ang phone ko, para tawagan si Ford.
"Hello."
I couldn't hear him properly because of the noise of the student passing by.
"Hello ma'am?" he said in his low voice.
I tried to cover one of my ear. "I don't have a class, asan ka?"
"I'm few blocks away from your campus. Mag papasundo ka ba?"
"Oo, hihintayin kita sa kainan katapat ng campus."
"Alright. I'll be there in five minutes."
After that call, tuluyan na nga akong nag lakad papunta sa kaininan na tinitukoy ko.
'Don na ako kakain ng lunch habang wala pa ang announcement ni ma'am Sandoval tungkol sa klase niya mamaya.
I was sweating like a bullets when I arrived at a local small restaurant infront of our campus. Mas lalong pinagpawisan dahil sa dami ng estudyante na kumakain dito.
Masarap at mura kasi ang pagkain nila compare sa iba pang local restaurant dito malapit sa campus. Kaya maliban sa cafeteria sa loob, dito ang takbuhan ng mga estudyante ng EHU.
I found a vacant table near the entrance, hindi maganda ang table pero okay na 'to kesa naman sa wala.
Hindi ako kaagad umorder ng pagkain dahil hinihintay ko ang pagdating ni Ford. I can't leave my spot right now, dahil kung aalis ako panigurado wala na'to pag balik ko.
Tinext ko na lang si Ford kung saan ako nakapwesto sa ganon ay mabilis niya akong mahanap. While waiting, may nakita akong tissue paper sa harapan ko. Nag labas ako ng isang black pen atsaka kumuha ng isang tissue.
Manipis ang tissue kaya dahan dahan ako sa pag guhit dito. Iniiwasan na mapunit ito.
I'm just making a random lines on it, natigil lang nung napansin kong may tumigil sa harapan ko.
When I looked at it, I saw Ford kakarating, wearing ba black perfectly fitted polo and a maong jeans.
His eyes drifted towards the table, kung saan nakapatong ang tissue na may guhit ko.
His eyes furrowed and titled his head a bit. Trying to figure out what am I doing.
Tumayo ako "I'll buy some food, kumain ka na ba ng lunch?" I asked while pulling out my wallet inside my bag.
"No." may pag aalinlangan sa kanyang boses bago umiling "not yet" habol pa ne'to.
"Alright!" umayos ako ng tayo tsaka hinarap siya "I'll buy some food, dito ka lang. What do you want to eat?"
Mag kasalubong ang mga kilay niya. Tila takang taka siya kung bakit ko siya tinanong ng ganito.
Mali ba ang tanongin ko siya? We'll i'm not a bad employer. I love to treat my employees, especially sa pagkain. Atsaka lunch naman ngayon.
He pursed his lips and eyes narrowed.
"I'll buy it for you."
Umiling ako "No need, I want to choose my ulam. Anong gusto mong kainin?" Hindi kaagad makasagot si Ford. Nanatili siyang tahimik habang hindi tinatanggal ang tingin sa'kin. "O tapos ka nang kumain?"
Umiling siya "hindi pa."
"O sige, ako na lang ang pipili ng pagkain mo. Maupo ka na lang." sabay turo sa mesa bago ko siya tuluyang tinalikuran at nag lakad papunta sa counter kung saan nakahilera ang iba't ibang ulam.
Marami ang nakapila sa unahan ko kaya natagalan pa bago ako nakarating sa harapan.
Pakbet,adobo, at pancit ang inorder ko.
"Padagdag ng dalawang rice at free soup 'te." sabi ko nung nasa cashier na ako.
Agad akong nag abot ng two hundred pesos sa kanya tsaka kinuha ang tray kung saan nakapatong ang mga ulam na binili.
Pansin ko ang agarang pagtayo ni Ford nung nakita niya akong nag lalakad pabalik sa pwesto. Nung nakalapit, walang pasabi niyang kinuha sa mga kamay ko ang tray, para siya na mismo ang mag dala ne'to hanggang sa table namin.
Kasabay ng pag upo ko ay ang pagdampot ko ng tissue.
Dahil sa dami ng tao, sobrang sikip na at mainit dito sa loob. Hindi na kinakaya ng electricfan. Kaya parang gripo kung tumulo ang pawis ko.
Isa isang nilagay ni Ford sa mesa ang ulam bago umalis para ibalik ang tray sa counter.
Tahimik ko siyang sinundan ng tingin.
Hanggang dito, agaw pansin pa'rin siya. Halos lahat ng mga babaeng estudyante dito ay tumitigil sa pagkain para masulyapan siya.
Hindi mo talaga aakalain na driver ko siya. Kahit na hindi maganda ang unang araw niya sa trabaho, I can see that he has a lot of potential. Not just being my driver but in another field.
One of these days, i'll try to recommend him to tito Dwight's agency. Sigurado ako na sisikat siya bilang isang modelo.
Napaupo ako ng tuwid nung mag tama ang mga mata ko sa kanya. Bahagya akong nataranta, hindi alam kung ano ang dapat kong gawin. Iiwasan ba ito o hindi.
But his eyes stayed, walang balak na iwasan ang mga titig ko. Nung tuluyang nakalapit, kumunot ang noo. Habang ang puso ko naman ay parang sasabog na sa bilis ng pag takbo.
It feels like I am running in a triathlon.
"You haven't started eating?"
Tila natauhan ako sa sinabi. Ba't ko nga ba siya hinintay? Kung pwede naman akong maunang kumain kesa sa kanya.
Kumuha siya ng tissue tsaka ipinunas ito sa kutsara at tinidor. Pagkatapos 'non ay nagulat na lang ako nung inabot niya 'ito sa'kin.
"Th-thanks." pansin ko ang panginginig ng aking kamay nung inangat ko 'yon para kunin ang utensils.
Instead of answering me, he just smiled without showing any teeth, while wipping his own utensils this time.
Hindi ko alam kung tama ba ang naging desisyon ko na sabay kami kumain. Hindi ko kasi inakala na ganito pala ka awkward.
Him silently eating infront of me. I tilted my head a bit, he looks so unused of this kind of local restaurant.
Para bang ngayon lang siya nakakain sa ganitong lugar, at kapansin pansin ang pagkailang niya habang kumakain.
Is it because of the surrounding or it is because of the food? Or is it because of me?
I don't know.
"You don't like the food?" I ask without looking at him.
Hindi ko na mapigilan ang sarili ko na itanong 'yon sa kanya. Pakiramdam ko kasi, pati ako naiilang na'rin sa paligid dahil sa kanya.
"No, it's just that I don't know these food."
Natigil ako sa pagsubo ng wala sa oras, sabay tingin sa kanya. Binitawan ang hawak na spoon and fork
"Hindi mo alam ang mga ito?" gulantang kong saad.
He poke a squash and innocently taste it. Bahagyang napakunot ang noo, bago tumango tango.
"Never kang kumain ne'to?" Sabay turo pa sa mga pagkain.
Laglag ang panga ko nung nakita ko siyang umiling muli. Atsaka tinikman naman ang adobo. He pursed his lips and eyes narrowed looking at the adobo meat.
"What is this called again?" he huskily said as he poke the meat once again and lift it until his eye level.
Sinuri ng mabuti.
"It's adobo. Don't tell me hindi ka pa nga nakakain ne'to."
"I never thought that this dish even exist."
Namilog ang mata ko at laglag ang panga sa sinabi niya.
Never exist? Saang planeta ba siya nanggaling? Eh ang adobo ang isa sa mga ulam na parating hinahanda sa hapag.
"It's delicious." pahabol pa niya.
Nasamid ako sa sariling kong laway dahil sa narinig.
Hindi makapaniwala na ang isang katulad ni Ford ay hindi pa nakakatikim ng adobo sa buong buhay niya.