Bigla kong nabitawan ang phone ni Ford. Nanginginig ang kamay at nanghihina. May nag babadyang luha sa aking mga mata habang tinitingnan pa'rin ang phone ni Ford sa sahig. Gusto kong maiyak. Ikakasal si Ford.. at ang babaeng nasa telepono ay ang babaeng papakasalan niya. What have I done? Nakipagtalik ako sa isang tao na malapit na ikasal. And worst, he's ignoring his fiancé. Tumindig ang mga balahibo at naninikip ang dibdib. Parang gripo na isa isang tumulo ang mga luha. Napahawak ako sa aking bibig nang hindi ko na mapigilan ang pag hikbi ko. Guilty sa maling nagawa ko. Kung hindi ko lang sana pinairal ang emosyon at damdamin ko, hindi na sana ito aabot sa ganto. If only I used my brain over my heart. Nanatili akong nakatingin sa telepono ni Ford hanggang sa kusa na i

