7

3767 Words
I was in the middle of my review in a nearby café. It is our exam week kaya todo na ako sa pag rereview ng notes ko. Ford is sitting infront of me. Hindi ko siya pinapansin dahil nakatutok ako sa pag aaral. I didn't invite him here, but he insisted. Wala 'raw siyang gagawin at gusto na lang na bumuntot sa kung saan man ako nakatambay ngayong araw. Ramdam ko ang pag tapik niya sa kamay ko, tinanggal ang airpods bago ko siya tiningnan. "Times up! Kailangan mo nang bumalik sa campus." he said tsaka unti unting inayos ang nakakalat kong notes sa table. Tahamik ko namang tiningnan ang cellphone ko. At tama nga siya I should go back now. Tinulungan ko na siya sa pag liligpit ng gamit ko atsaka siya na mismo ang nag dala ng bag ko. Habang ako naman ay nakayukong nag lalakad palabas ng café. Patuloy pa'rin sa pag rereview. This would be my last exam, after this i'm free again! Kinuha ko na ang bag ko kay Ford tsaka pinasok na sa loob ang dala kong notes, nung malapit na kami sa gate. Hindi na ako mag aaral sa campus, okay na ako. I wanted my mind to relax a bit. Baka ma mental block pa ako sa kalagitnaan nang pag kuha ko ng exam kung ipipilit ko pang mag aral hanggang sa exam time. Ayaw ko naman mangyari 'yon. "Goodluck on your exams." rinig kong sabi ni Ford. Inayos ko ang pag kakasablay ng bag ko sa aking balikat "I'll bring you somewhere after your exams." "Where?" "Somewhere. I'm sure you'll like it." My eyes narrowed. Duda ako sa lalaking 'to. "Galingan mo sa exams" ulit pa niya sabay g**o ng buhok ko. "Aish! Ford naman eh! Malalagot ka sa'kin kung mamemental block ako mamaya." Banta ko ngunit kalaunan ay napangiti naman. Ilang araw na ang nakalipas simula nung nag tratrabaho si Ford sa'kin. I can't deny na magaling nga siya sa kanyang trabaho. At medjo naging close na nga kami sa isa't isa kahit papaano. Hindi na ako na iilang sa tuwing kasama ko siya o nakaupo kami sa iisang table. Nakasanayan ko na'rin na siya ang nag dadala ng bag ko sa tuwing hinahatid sundo niya ako sa school. "Hindi yan! Ikaw pa" inirapan ko siya. "Alis na'ko. Baka malate pa'ko neto." Mabilis kong itinaas ang aking kamay at patalikod na winave 'yon. I don't care kung nakita niya 'yon o wala. Habang nag lalakad, halos lahat ng mga estudyante dito ay may hawak na notes o hindi kaya nag susunog ng kilay kakareview. Everyone is striving, walang sumusuko. Hindi ako kaagad makapasok sa assigned classroom namin dahil maaga pa atsaka hindi pa tapos ang naunang klase sa kanilang exams. May mga kasama na akong kaklase dito ngunit hindi ko sila makausap dahil abala ito sa pag rereview. Ayaw ko silang maistorbo "Finally! Tapos na 'rin!" I whispered while I stretched my arms upward. After that I reviewed my answer for the last time before standing up to pass my test paper. Now that my exams are officially done, balik na ang focus ko sa aking exhibit. Which will be happening next month. Final touches na lang sa huling piece ko ay matatapos na talaga ako. Dumerecho ako sa parking lot kung saan parating nag aabang si Ford. Nung makarating ay nakita ko siyang nakatalikod at may kausap, hindi alam na dumating na ako. "That project supposed to start this week. I already sign...." tila na bitin sa ere ang dapat niyang sasabihin sa kausap nung pagkalingon niya ay agad nag tama ang aming nga mata. Mula sa pagkakunot ay pansin ko ang pagkataranta sa kanyang mukha. I pointed the car without saying anything. Giving him a sign that I wanted to go inside. At para na'rin bigyan sila nang privacy. Wala naman akong balak na makinig sa kanila. Hindi siya kaagad nakapag salita, his eyes narrowed. That's why I pointed my car once again. "I'll wait for you inside the car." I said. I waited for him to unlock the car bago ako pumasok. His gaze never left mine until I successfully went inside the car. Hindi ko tuluyang sinara ang pinto dahil baka mamamatay ako sa init at hindi makahinga sa loob. I close my eyes, trying to snooze. Ilang oras lang ang tulog ko this past few days dahil sa exams. Nagising nung naramdaman ko ang pagsara ni Ford ng pinto. Umayos ako nang upo tsaka sinundan siya ng tingin hanggang sa makaupo. I yawn and lazily lean my head on the window. "Saan tayo pupunta?" naalala ko kasi ang huling sinabi niya sa'kin kanina bago pumasok ng campus. "There's an art festival" aniya tsaka unti unti niya ng pinapatakbo ang kotse. "An art festival?" I curiously ask sabay ayos ulit ng pagkakaupo tsaka umusog papunta sa gitna. Nawala ata ang antok ko sa sinabi. "Yeah, it was prepared by the students. Hindi ko nga lang alam kung anong school ang host. But they're selling d.i.y stuffs." I saw him took a glimpse on me, and then the corner of his lips turn upward "Talaga?" hindi ko mapigilan ang pagtaas ng boses ko dahil sa excitement. Paano kaya nalaman ni Ford na may ganito? Atsaka bakit hindi ko 'to narinig? "I heard that it was near your campus." "Are they selling stuff? O hanggang displays lang sila?" At 'don na nag umpisa ang walang hanggang tanong ko kay Ford tungkol sa art festival na tinutukoy. He patiently answered my questions. Mabuti na lang at hindi siya nagalit sa paulit ulit na tanong at kakulitan ko. Nung makarating sa isang malawak na carpark ay agad na lumabas ng kotse si Ford para pagbuksan ako ng pinto. It took me a few seconds before I went outside the car, dahil abala ako sa pag aayos ng buhok ko. Kung nalaman ko na may pupuntahan kami ni Ford na ganito, sana pala ay nag dala ako ng extra clothes. It sucks that i'm wearing uniform while Ford doesn't. He closes the door for me at kinuha ang bag ko sa balikat. I looked at him while he was fixing the strap of my bag on his shoulder. "Let's go." Anyaya pa niya I was silently walking besides him, my brow furrowed when we entered a dark and silent alley. "Saan mo ko dadalhin?" hindi ko na mapigilan na hindi sabihin 'yon sakanya. Kami lang ata ang dumadaan dito, atsaka sobrang liblib naman ata ne'to. I positioned my hand and keep myself calm and ready. "Don't worry. We are just taking a shorter course." "Baka binenta mo na ako sa kakilala mo Ford. Nako! Kahit humingi ka pa nang ransom kila dad, hindi 'yon lalabas nang pera." My eyes were still busy scanning from left to right. Trying to look for a suspicious person coming. He chuckled "Nikka I was hired as your bodyguard. Do you expect me to harm you?" "Aba malay ko! Hindi ko naman hawak ang utak mo. But I want you to know that my dad won't give you even a cent." "You're watching too much serial killer documentaries Nikka." nanliit ang mga mata at sinabayan pa niya ng pag iling. Humalakhak ako ngunit ang kamay ko ay nanatiling nakaangat, handang manuntok sa kung sino man ang mag tangkang lumapit sa'kin. Well I do watch serial killer documentaries everytime I wanted to take a break from studying. Ngunit sa bandang huli pinagsisisihan ko naman, dahil na dagdagan lang ang problema ko sa pinanonood. "At alam mong hinding hindi ko hahayaan na mangyari 'yon sa'yo. Dadaan muna silang lahat sa'kin bago sila makalapit sa'yo." "Dapat lang!" proving that it was indeed a fact. Tila sinindihan ang aking katawan nung unti unti ko nang nakikita ang liwanag sa harapan. It was party lights at padami nang padami na'rin ang mga taong nakikita sa daan. Palakas ng palakas na'rin ang naririnig kong tugtog. Papalapit na ata talaga kami sa mismong event. Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapatakbo patungo sa unang kiosk na nakita. "Hello" bati ko sabay angat nung beaded earrings. "Did you guys made this?" "Hi miss! Yes po, gawa namin ang lahat ng paninda namin dito. 50 pesos lang po 'yan, bili na ho kayo." The girl sweetly smiled at me after. Tama nga ang sinabi sa'kin ni Ford kanina, this event was really organized by the students. At malaki ang kutob ko na mga junior highschool pa lang ang mga kaharap ko ngayon. Binaba ko ang hawak na earrings para tingnan ang katabi ne'to. It was also an earrings but with a different design and colored beads. "Magkano naman etong clips niyo?" Kumuha ako nang isa tsaka tinry sa buhok. "3 for 100." It was pink beaded hairclip. Nakangiting hinarap ko ang estudyante "It's cute, i'll take it." Kumuha pa ako nang dalawa pang design bago hinanap si Ford. "Can you get my wallet?" "How much is it?" He went a little bit closer to me this time. "One hundred." I was busy comparing the hairclips that I got to the hairclips that was displaying. Baka may mas magandang design pa kasi na hindi ko agad na nakita kanina. Napatingin sa estudyante nung kinuha niya ang atensyon ko para sana ilagay sa plastic ang binili, ngunit agad ko namang tinanggihan dahil sayang. Maliit lang naman 'yon, kasyang kasya sa bag. After that kiosk we jump from one kiosk to another. Aliw na aliw ako kakatingin sa mga paninda nila dito. Iba't ibang klase, if I have enough money to spend, panigurado nabili ko na ang lahat. Malaki ang event na 'to, at nakakatuwa tingnan na iba't ibang pakulo ang ginagawa para makaakit sila ng mga tao. I even heard that this event will depict their final grades. Kaya malaking tulong sa kanila ang pag bili nang kanilang paninda. Ford and I were eating yogurt icecream when I stopped and pointed something to him. Agad niya ito sinundan nang tingin. I can't say anything because I was sucking the plastic spoon of my icecream. Hinawakan ko ang plastic spoon. Nilingon niya ako "Ang daming tao, tara tingnan na'tin." Nauna na akong mag lakad patungo sa kiosk na tinutukoy ko, he didn't say anything. Patuloy lang siya sa pagkain ng kanyang icecream. When we get there, I tried to stretch my neck as far as I could and tiptoed. As i've said marami ang nandito sa kiosk na 'to. Para bang may ginagawa sa harapan na kung ano. Pero kahit anong gawin ko, hindi ko talaga makita. Ang tatangkad ng mga taong nasa harapan, puro ulo nila ang nakikita ko. Okay, last na 'to. Tumalon talon ako, pero hindi talaga. Muntik pa ako ma tapilok sa ginawa ko, mabuti na lang at mabilis nahawakan ni Ford ang braso ko para hindi ako tuluyan ma tumba. "Be careful." he huskily said, concern was visible on his face. "Ano ba kasi ang meron dito. Ba't ganito karami ang tao?" Hindi naman ganito sa ibang kiosk ah? He pursed his lips, ilang sandaling nakatingin sa'kin bago siya humarap. I also saw him stretched his neck. Ang kinaibahan lang ay mas matangkad siya sa mga taong nasa harapan namin. Kaya kita niya ang nangyayari sa harapan. "Their making something" muli niya akong hinarap. "What are they making?" I stretch my neck once again. "Something?" he mockingly said. I glared at him and lightly punch his stomach. He chuckled as he cover his stomach. Takot na masuntok ko siya ulit. "Ha.ha.ha very funny" inirapan ko siya. Akmang aalis na sana ako sa kiosk at mas piniling tumingin tingin sa iba pa nung naramdaman ko ang marahan na pag hawak niya sa braso ko para pigilan akong tuluyang makalayo. He was still smiling kaya mas lalo akong naiinis sa kanya. "Hindi ko alam ang ginagawa nila. But let's try to check it out." Mula sa braso ay bumaba ang kamay niya sa palapulsuhan ko. Namilog ang mga mata ko tsaka saglit na nakalimutan huminga. Anong ginagawa niya? Ba't niya ako hinawakan? Did I allow him to touch me? And why is it that I can't even say a thing? What is wrong with me? He was busy talking to the guy who is standing infront of us. "Excuse us, my friend wanted to see what's infront. Pwede ba kaming dumaan?" Ramdam ko ang pag init ng mukha ko sa kahihiyan nung sinabi niya talaga 'yon sa taong hindi niya man lang kakilala. The guy took a glance of me. Gusto kong bitawan ang kamay ni Ford, itakwil at sabihin na hindi ko siya kilala. Pilit ko siyang nginitian atsaka tinaas ang isang kamay ko para sabihin na ayaw ko sa gustong mangyari ni Ford. Syempre! sobrang nakakahiya kaya 'yon! Ngunit isang ngiti at tango ang isinagot niya kay Ford bago siya umusog para bigyan kami ng espasyo. Lahat ng mga tao sa harapan namin ay tinatapik niya ang balikat para kunin ang kani kanilang atensyon, bago sabihin ang binabalak niya. Hanggang sa tuluyan na nga kaming nakarating sa harapan. I used my other hand to cover my face a little bit, habang ginagawa niya 'yon. Ako na ata ang nahihiya para sa kapal ng mukha ni Ford. Geez! Why did I pull him here at the first place? Kasalanan ko talaga! The moment he let go of my hand, dalawa na ang ginamit ko para pagtakpan ang mukha ko. "Nikka may problema ba?" Aniya. "Look! Their making a customize case here." Customize case? Customize case lang pala? Eh bakit ganito na lang kung makaakit nang tao ang kiosk na 'to? It seems so normal to me, nothing special. Ramdam ko ang paglapit niya sa tainga ko "The customers are the one who is making their cases. Do you want to try?" dahan dahan kong binaba ang kamay para tingnan ang nasa harapan. It was indeed the customers are the one who is designing their own cases. Ngayon ko lang tuluyang nakita na maraming art materials ang prinovide ng kiosk na'to para ipagamit sa kanikanilang customers sa pag dedesign. "Gusto mo ba?" napatingin ako kay Ford tsaka tumango. "Alright." Siya na mismo ang kumausap sa student incharge dahil abala ako kakatingin sa mga naunang customers nila dito. Ilang minuto pa ang nakalipas nung nakapwesto na kami ni Ford sa isang bilugang table. May isang student ang lumapit sa'min para iexplain ang mechanics, and the do's and the don'ts. Each of us were given a different kind of case. "Pick the white one Ford." utos ko. "I'll design your phone case. You'll design my phone case. Palit tayo!" I suggested. Nag aalinlangan pa siya nung una ngunit kalaunan dinampot niya 'rin ang case na tinutukoy ko. A smile crept on my face when he slid the phone case infront of me. "This is my phone" sabay angat ng phone ko. "You can choose the color of the case that you want." Nanatili siyang tahimik, focus na focus sa pag pili nang kulay. He chose a light brown case for me. "Ayusin mo Ford ang gawa ah? I'll use that case." biro ko, kita ko ang pagtigil nang kamay niya dahil sa sinabi ko. Tiningnan niya ang hindi ko pa nagalaw na case niya bago siya humarap sa'kin. "I'll also use that case, you better make that presentable." His eyes narrowed, natawa ako dahil alam ko na baka iniisip niya pag tritripan ko siya. Well, I already have an idea what to design. It is not as manly design as he is. Pero alam kong hindi naman siya mapapahiya kapag gagamitin niya 'to bilang daily phone case niya. Hindi ko siya sinagot, sa halip ay kumuha ako ng lapis. To do some outline, because once I started to use a paint or marker here there's no turning back. He did the same, kaya hindi na ulit kami nag pansinan. Hanggang sa natapos ako sa pag dedesign ng phone case niya. I fan it using my hand to dry the paint a little bit. I saw him doing it also, tapos na'rin siya sa ginagawa. "Palit tayo." I said I draw a two faceless person on his case. The guy is seen wearing a black shirt and maong jeans, standing infront was a lady who is wearing her school uniform. Nanatiling tikom ang kanyang mga labi, mariing tinitigan ang gawa ko. Nung inangat ang tingin niya ay saktong nahuli niya ang aking mga mata. "What?" inunahan ko na. I know what he's thinking. He lick his lips and bit it after, before he shakes his head. Hiding his smile. Tumuwid ang upo niya tsaka pinagkrus ang kanyang braso sa kanyang dibdib. Bumaba ang tingin ko sa gawa niya. Kunot noo kong pinagmasdan at pinagaralan ang gawa. His artwork has a lot of dynamics and colors on it. But he didn't overdue it, halatang alam na alam niya ang gusto niyang gawin sa case ko. But what catches my eyes was the lady that he draw were also wearing a school uniform looking at an artwork infront of it, and was occupied with someone who was wearing a black shirt. Katulad na katulad sa dalawang tao na ginuhit ko sa phone case niya Ang pinagkaiba lang ay nasa isang art exhibit ang dalawang tao ang ginawa niya. Akmang mag sasalita na sana ako, para sumbatan sana siya na ginaya niya ang gawa ko nung may isang estudyante ang lumapit sa'min para kunin ang cases. Ang sabi, may maliit daw silang machine dito para mas mabilis na patuyuin ang cases. Nakaramdam ako ng hiya dahil panigurado nakita niya ang ginagawa namin ni Ford pagpapaypay sa aming mga case. "Thank you." I said while smiling when the student went back to our table holding our cases, na ngayon ay nasa loob na ng maliit na plastic. Ford paid the bill for us, kaya naman nauna na akong lumabas ng kiosk para bigyan ng pagkakataon ang mga taong nag aabang sa labas na makapwesto sa table namin. Ipinagdikit ko ang dalawang cases sa isa't isa. Both cases has two persons on it, parehong nakasuot na uniform ang babae habang black shirt naman ang lalaki. Bahagya akong natawa nung napansin kong pati ang dala kong bag ngayon ay ganon din pala ang hawak nung lalake sa ginuhit namin. This is definitely us, in a different place. "Let's go?" I heard his low voice from behind. Nung nilingon ko siya ay agad kong inabot ang case sa kanya. After that, I immediately take off my case. Pinalitan kaagad ng bago. He did the same on his phone. Tipid na ngumiti siya pagkatapos niyang pagmasdan ang cellphone. I know that he won't use that case for long, it's too girly for a man like him to use that case. Hindi bagay. Ilang minuto pa ang inikot namin kakatingin sa kiosk, hindi na ulit ako nag labas ng pera dahil malaki na ang ginastos ko. Tsaka okay na ako sa mga nauna kong pinambili kanina. Sobrang dami pala nang kiosk na nandito para sa event na'to kaya sobrang haba ang lalakarin mo bago mo makikita ang lahat ng mayroon dito. Sa tingin ko buong street ang nirent nang organization para sa event na'to. "s**t!" napamura ako nang wala sa oras nung biglang umulan. As in sobrang lakas ng ulan! Wala man sign or what! Buhos ka agad! Mabilis kaming tumakbo ni Ford papunta sa isang kiosk para maki silong. Ngunit kahit na ganon, ay hindi pa'rin kami makatakas dahil may kasamang hangin ang ulan, kaya naman nababasa pa'rin kami dito. I hugged myself because of the freezing breeze. My shoes and socks are now partially wet. Ford looked at me and stepped forward. Kunot noo ko siyang tiningnan. Ba't niya ginawa 'yon? Edi mas lalo siyang mababasa niyan. "Anong ginagawa mo?" singhal ko sabay hila ng sleeves niya pabalik sa kung saan siya nakapwesto kanina. Hindi nga ako mababasa pero siya panigurado, dahil sa ginawa niyang pag protekta sa'kin. Paano kung magkasakit siya? Edi kasalanan ko pa 'yon! "Matagal pa 'to bago titila ang ulan." he said as he steps forward once again. Tinaas ang kamay at hinayaan na mabasa ito ng ulan. Sunod na tumingala ako. Para pag masdan ang paglakas ng ulan. Tahimik kong tinaas ang aking kamay. Letting the raindrops touch my hand. It was cold but it made me relax a little bit. "Baka magkasakit ka." nilingon ko siya sabay iling nung narinig ko ang boses niya. "I'm fine." Ilang sandali pa kaming nanatiling nakatayo sa kiosk, nag hihintay na humina ang ulan. I was still hugging myself when I heard his voice. "Let's go?" Anyaya niya nung sa wakas ay humina na nga ang ulan. Tumango ako tsaka nauna ng lumabas nang kiosk. Umuulan pa'rin ngunit mahina na ito kumpara kanina. Nahinto ako sa paglalakad nung naramdaman ko ang pagbigat nang aking ulo. Para bang may kung anong nakapatong dito. Inis kong nilingon ay kung sino man ang may gawa 'non sa'kin. "I don't want you to get sick." aniya na ikinagulat ko. "Tumakbo tayo papuntang car park bago pa lumakas ulit ang ulan." pansin ko na basa pa'rin ang sleeves ng shirt niya. My eyes flickered. Kahit sobrang ginaw nang paligid ko ay ramdam ko pa'rin kung paano uminit ang mukha ko dahil sa sinabi niya. His hand didn't left my head, nandon pa'rin gustong protektahan ako kahit papaano sa ulan. "Nikka?" Napapikit ako nung muling kinuha ni Ford ang atensyon ko. I was spacing too much. Nauna na akong tumakbo, leaving him behind. Ngunit dahil sa tangkad at haba ng legs niya ay mabilis niya akong nahuli. Muli niyang pinatong ang kamay niya sa ulo ko, agad ko naman 'yon inalis. "Ford ang bigat nang kamay mo!" reklamo ko. Mabilis akong nag lalakad, hindi na ako muling tumakbo dahil napapagod na'ko. Parang tanga kaming nag lalakad dito ni Ford dahil ilang ulit pa niyang tinatangkang patungan ng kamay niya ang ulo ko. Syempre hindi ko kailanman siya hinahayaan dahil mababasa at mababasa 'rin naman ako. Useless!! Panay ang iwas ko sa kanya. Sa ginagawa pakiramdam ko pinapamukha niya sa'ki kung gaano ako kapandak tingnan kapag magkasama kami. Hanggang sa tuluyan na kaming makarating sa loob ng sasakyan ay panay ang iwas ko sa kanya. While fixing my seatbelt, I suddenly sneeze. I rub my nose after. Nilayo ang aircon dahil kung hindi ko gawin 'yon ay lalamigin lang ako sa biyahe. Basa pa naman ang uniform tsaka ang buhok ko. "Daan muna tayo sa condo." I said when Ford was busy turning off the aircon. "Magkakasakit tayo pareho ne'to kapag uuwi tayo sa ganitong kalagayan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD