"Ano Andrea ganyan na lang ba ang gagawin mo araw-araw ang tumunganga dyan sa cellphone mo?" galit na sermon ng aking mama sa akin. Tanghali na raw kasi at nasa kwarto pa rin ako. Sino ba naman kasing hindi tatamarin bumangon, wala rin naman akong gagawin kundi ang sumama kay mama sa palengke para magtinda. "Ano na Andeng tumayo kana riyan o papasukin pa kita riyan para kaladkarin palabas?" inis na inis na si Mama sa akin kaya wala akong choice kung ayaw kong kaladkarin ako ni Mama. "Opo babangon na po ako." sagot ko kay mama para hindi na magsisigaw sa salas.
Bumangon ako at nagtungo sa banyo para makaligo at maghanda para sa pagpunta ko sa palengke. Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na ako at nag-almusal. Wala na si Mama siguro na una na iyon sa pakengke. Pagkatapos kong mag-almusal ay pumanhik na ako paalis papuntang palengke. Pumara na ako ng tricylce at sumakay na. Pagkarating sa palengke ay tumulong na ako sa pag-aayos at pagbabantay. Isang araw na naman ang gugugulin ko rito sa palengke. Dahil sa naboboring ako ay nagpatugtog ako para mawala ang antok ko. Sinasabayan ko ang pinapatugtog sa pagkanta, may kasama pa itong sayaw.