Mharimar's POV Tahimik akong naglalakad sa mahabang pasilyo nitong ospital. Isang araw pa lang nakalipas simula ng ikasal kami ni Mr. Jill. Iyon din ang huli kong nasilayan si Lola kaya naisip kong daanan na muna siya bago maghanap ng mapagkikitaan ko. Wala na akong trabaho. Mahirap naman kung aasa na lang ako kay Mr. Jill. Alam kong hindi rin 'yon papayag at lalong-lalo na hindi niya ako bibigyan ng pera panggastos ko. Habang papalapit ako sa kwarto ni Lola ramdam kong bumibigat ang dibdib ko, siguro dahil alam kong hindi ko na siya madalas makikita. Nasa tapat na ako ng pintuan kaya huminga akong malalim bago ko binuksan ito. Pagbukas ko ng pinto, nakita kong nakahiga si Lola sa kama, habang nakasandal sa headboard ng kama. Napangiti kaagad ito ng makita ako. Sapat na sa akin na

