Mharimar's POV Tahimik lang akong nakaupo sa back seat habang nasa tabi ko naman si Mr. Jill. Tahimik lang din ito habang nakatanaw sa labas ng bintana nitong sasakyan. Pilit kong pinapakalma ang sarili kahit ramdam kong bumibilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ni Mr. Jill. Habang tumatakbo ang oras at palayo ng palayo ang sinasakyan namin ngayon ay mas lalong tumitindi ang kaba sa dibdib ko. "Saan niyo ba talaga ako dadalhin?" matapang kong tanong sa kaniya. Unti-unti siyang lumingon sa akin. "Sa bago mong tirahan." malamig niyang sagot tsaka muling bumaling sa bintana. Huminga akong malalim. Ano ba talaga ang ibig niyang sabihin doon? Bago kong tirahan? Napatingin ako sa labas ng bintana nang maramdaman kong bumagal ang takbo ng sasakyan, mas lalo

